C
0
Sa mga nagbabalak mag-achieve ng ideal nilang body look, or kahit 'yung mga health conscious lang na gustong magkaroon ng stronger immune system through weight lifting, 'wag kayong matakot na i-check out 'yung mga gym na malapit sa inyo at 'wag din kayong mahiyang i-approach 'yung coaches or even members na nandoon. At first, okay lang kahit na mangapa muna kayo. Look for some basic exercises sa internet at gaw'in n'yo roon regardless of the proper form. I-check n'yo rin 'yung environment at atmosphere ng gym kung trip n'yo. Then kung satisfied kayo sa services ng gym (at afford niyo), buhat muna kayo roon for the next few weeks; mag-settle muna kayo hanggang sa maging kumportable kayo sa lugar. After n'on, saka ngayon kayo gumawa ng organized na workout plan o program. Puwede ring kumuha muna kayo ng reference off the internet pero start with the basics pa rin, I'd suggest na mag-bro split program muna kayo. 'Wag muna kayong mag-PPL until tingin niyo medyo advanced bodybuilder na kayo. Puwede niyo ring pagternuhin 'yung mga muscle groups like for instance, Chest and Triceps sa Monday; Back and Biceps sa Wednesday; then Shoulders and Legs sa Friday. Advisable din na may at least one day interval sa workout days niyo para may enough time to rest and recover 'yung mga pinunit niyong muscle. Once na may workout plan na kayo, ayon steady muna kayo sa program na 'yun for some months. 'Wag pabago-bago ng program or exercises, basta ituloy-tuloy niyo lang 'yung pagbubuhat and let the days pass by and I promise you, the results will come in no time.