Kung gusto mo simpleng weight loss lang, like mabawasan lang yung number sa weighing scale mo, calorie deficit ay okay na. Yung walking and gym, pandagdag yan sa calories na binuburn mo.
Tinatanong mo kung okay lang yung 15k steps na walking workout, any number will do, as long as gumagalaw ka. Kahit 10k steps or even 8k. Pero tandaan mo na ang walking ay more on cardio. Okay lang din na sabayan mo ng bodyweight exercises (you've mentioned na gusto mo na solo lang) para magkaroon na well-defined na muscle. Calisthenics, pliates, etc.