Welcome to Mobilarian Forum - Official Symbianize forum.

Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?

Harana

G 0

gomugomuno

Abecedarian
Member
Access
Joined
Oct 16, 2014
Messages
123
Reaction score
57
Points
28
grants
₲1,507
10 years of service
Harana

Hmmm...Hmmm...Hmmm...
Sa iyong bintanay huwag ng dumungaw
Huwag ng titingnan itong nanliligaw
Tama na sa aking mula sa higaan
Ay pakikinggan mo itong panambitan

Hmmm...Hmmm...Hmmm...
Ang himig at bagting ng dalang gitara
Yaon ay himutok ng pusong kawawa
Kung naririnig moy malungkot na kanta
Sapagkat nasanay sa buhay mag-isa

Hmmm....Hmmm...Hmmm...
Pagpasensyahan mot di dala ang buwan
Pagkat nagkait syang aking mahawakan
Husto na umano, ang ikawy awitan
Kung mula sa pusoy mataos at bukal

Hmmm.....Hmmm....Hmmm...
Sa tarangkahan mo, akoy humihimno
Hindi nangangawit sa pagkakatayo
Ang awit kong sabay sa kahol ng aso
Ay di nagsasabing silipin nga ako

Hmmm....Hmmm...Hmmm...
Di rin magtatagal itong panikluhod
At baka manakaw itong aking tungkod
Ito ngang harana oras na matapos
Ay bumalik ka na sa iyong pagtulog

Hmmm....Hmmm....Hmmm...
Sa pag-uwi ko kung di kita malingon
Sapagkat di alam ang iyong direksyon
Malaman mo sana, tarangkahan iyoy
May bulaklak ako na iniwan doon

Hmmm...Hmmm...Hmmm...
Sa akin mang mundong liwanag ay dilim
Ay nakikita ka nyaring pangitain..
Nangingiti ako sa aking isipin
Sabihin mo sanang, "Hanggang sa uulitin."
 
OP
G 0

gomugomuno

Abecedarian
Member
Access
Joined
Oct 16, 2014
Messages
123
Reaction score
57
Points
28
grants
₲1,507
10 years of service
opo sir...tungkol ito sa isang bulag na nanghaharana. meron itong part 2 yung sagot ng babaeng hinaharana. Pinost ko ito sa kabila at mas naappreciate nila yung part 2. Sadly, binura ko yung part 2 nito at iba ko pang tula ng may umaway sa aking writer din doon. Kaya naghanap uli ako ng bagong tahanan at napadpad ako dito. Salamat po sa appreciation. Dami nga nagppm sa akin doon para magsulat uli kaso nawalan na ako ng gana at bihira na ako dumalaw doon. Hindi na rin nagsulat yung critic ko doon, napagalitan siguro ng mod haha.Try ko magsulat uli.
 
jughead3716 50

jughead3716

Alpha and Omega
Contributor
Access
Joined
Jun 28, 2014
Messages
5,120
Reaction score
11,325
Points
113
grants
₲128,621
11 years of service
ayusin mo ang pagkaka format punkz para mas madaling basahin at mas maappreciate... :)

not bad punkz ha...may talent ka nga...ilabas mo na dito yan.... :D
 
OP
G 0

gomugomuno

Abecedarian
Member
Access
Joined
Oct 16, 2014
Messages
123
Reaction score
57
Points
28
grants
₲1,507
10 years of service
Teka Sir Jugz, malamang sa general settings to e. Kahit anong ayos ko e nagiging ganyan.
 
OP
G 0

gomugomuno

Abecedarian
Member
Access
Joined
Oct 16, 2014
Messages
123
Reaction score
57
Points
28
grants
₲1,507
10 years of service
jughead3716 said:
ayusin mo ang pagkaka format punkz para mas madaling basahin at mas maappreciate... :)

not bad punkz ha...may talent ka nga...ilabas mo na dito yan.... :D
Ok na Sir jugz. Salamat sa feedback...
 
jughead3716 50

jughead3716

Alpha and Omega
Contributor
Access
Joined
Jun 28, 2014
Messages
5,120
Reaction score
11,325
Points
113
grants
₲128,621
11 years of service
gomugomuno said:
Teka Sir Jugz, malamang sa general settings to e. Kahit anong ayos ko e nagiging ganyan.

gomugomuno said:
Ok na Sir jugz. Salamat sa feedback...

ayun...naayos mo rin punkz...hehe...

anyway, binasa ko ulet at napansin ko na napaka ironic pala nito...kasi isang bulag ang naghaharana...di niya nakikita ang kanyang hinaharana pero nilalabas niya talaga ang kanyang nararamdaman para sa dalaga...very nice punkz... :D
 
OP
G 0

gomugomuno

Abecedarian
Member
Access
Joined
Oct 16, 2014
Messages
123
Reaction score
57
Points
28
grants
₲1,507
10 years of service
Try ko irevive yung part 2 nito Sir. Salamat...
 
Top Bottom