A
0
Ipagpatuloy mo lang angpaglikha ng mga panibagong obraAko ay nagising mula sa pagtulog,
Isang himig kasi itong tumutugtog.
Sinilip-silip ko sa aming bintana,
Ay harana pala ng isang binata...
Di naman maganda ang kaniyang boses,
Kung pakikinggan moy latang pinupunit!
Ewan ba kung bakit nakinig sandali,
Binatang tingnan koy kumakapa wari...
"Sa Mundoy bihira sa nagmamahalan,
Samahan ang sinta sa magpakaylanman.
Subukin mo itong sayoy umaawit,
At sasabihin mong, "Langit ang umibig!"
"Sapagkat pag-ibig anuman ang anyo,
Di mo makikita kung may balat-kayo...
Wag mo ding husgahan sa unang tingin,
Baka ginto nat di mo lang napansin."
"Ikaw lang ang tuwang madalas isipin,
Ligaya ng puso sa gitna ng dilim.
Ikaw ang sulating nais kong ititik...
Babasahin ng puso ng paulit-ulit."
"Kabiyak ng pusoy hanap ko pa rin,
Di kaya ikaw na...Mahal kong nahihimbing?
Kaya ba nagtagpo sa iisang daan?
Kaya nagkabunggo, ikaw ang kapalaran?"
"Itoy awit-pusong tapat kung suminta,
Na sa Mundo ngayoy binabalewala...
Kung sasabihin mong, " Hindi maaari."
Ay tuwa ko pa ring pag-ibig koy nasabi..."
Tapos umawit ay kinuha sa bakod,
Tiningnan-tingnan koy isa palang tungkod!
May luhang hinagkan ang isang bulaklak,
Marahang nilapag at umalis na agad.
May kaba ang puso, may tanong ang isip,
Para sa binatang tapat na umawit.
Awa lang ba itong aking nadarama?
O sumsibol na ba na munting pagsinta?
Habol ko ng tingin ang binatang bulag,
Gusto mang habulin...malayo nat wag...
Ay akin na lamang binulong sa hangin,
" Bukas uli Mahal...hanggang sa uulitin."