H
0
Asaan na yung kasunod
thank you po sa kwento..Ang sakit na ng paa ko, mahinang sabi ni Hannah. Kanina pa siya nakatayo sa ilalim ng waiting shed, tinatanaw ang kalsadang halos walang sasakyang dumadaan. Muli niyang ipinadyak-padyak ang kanyang mga paa na nakasuot ng high heels na may tatlong pulgada ang taas.
Nag-strike ba ang mga drayber?
Hoy!
Napalingon si Hannah sa kanyang likuran. Sa kabilang kanto ay nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng puting duster. Gulu-gulo ang buhok nito na para bang bagong gising. May kapayataan din ang babae, parang nakakatusok ang mga buto sa mga braso kapag iyong hinawakan. Kumakaway ang babae sa kanya.
“Ako ba ang tinatawag nun?” Hindi ito pinansin ni Hannah at muling itinuon ang tingin sa maluwang na kalsada. “Nasaan na ba ang mga jeep?”
“Hoy,” muling sigaw ng babaeng nakaputi mula sa kanyang likuran. Bahagyang ipinihit ni Hannah ang kanyang mga mata at sinilip ang babae mula sa gilid ng kanyang mga mata.
Nagulat siya at napatalikod sa nakita.
Tumatakbo ang babaeng nakaputi patungo sa kanya. Nakataas ang dalawang kamay nito, ang mga daliri ay animong sa mabangis na leon na nakahandang manunggab at mangalmot. Ngunit ang nakapag-paatras at nakapagpatakbo kay Hannah ay ang dalawang mata ng babaeng nakaputi. Dilat na dilat ang mga ito, tila ba galit na galit. Namumula pa ang mga ito at kahit may kalayuan ay kita niya ang mga ugat sa mata nito na para bang tumitibok-tibok pa.
“Halika rito!” tawag ng babaeng nakaputi. “Sabi ng halika rito!”
Walang nagawa si Hannah kundi ang kumaripas ng takbo hangang sa marating ang kanyang bahay. Ni hindi na niya nagawa pang lumingon kung nasusundan pa rin siya ng babae. Basta’t ng makapasok sa bahay at agad niyang isinara at ini-lock ang kahoy na pintuan.
“Diyos ko po! Ano ba yun?” humihingal sa sabi niya. “Baliw ba yun? Bakit ba hinahayaang gumala-gala ang mga ganon? Baka makasakit lang ang mga yun!”
Walang sumagot sa kanya kundi katahimikan.
(This is an original work by COPRO14. For more stories from this author, please visit LUCIDIRE.COM)
###
Sunud-sunod na kahol ng mga aso ang gumising kay Hannah. Matapos mag-inat-inat ay dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa kanyang kama. Madilim pa sa labas at tahimik ang buong paligid maliban sa kahol ng mga asong kalye sa labas. Tiningnan niya ang maliit na orasang nakapatong sa lamesa sa tabi ng kanyang kama.
Alas tres pa lang, naisip niya.
Dahil bahagyang nawala ang antok at nakaramdam na rin ng pagkauhaw, tumayo si Hannah at isinuot ang kanyang malambot at mabalahibong tsinelas. Lumabas siya ng kanyang kuwarto at tinungo ang kusina. Binuksan niya ang isang kulay abong refrigerator at kumuha ng isang boteng tubig.
Isang kalabog ang narinig niya mula sa may pintuan.
Ano yun? May tao ba diyan?
Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan at binuksan ang switch ng ilaw. Malamlam na kulay dilay na ilaw na nanggagaling sa isang mumurahing bumbilya ang pumuno sa kanyang maliit na bahay. Hinawi niya ang kurtina at sumilip sa bintana.
Wala naman siyang nakitang tao o anumang bagay na gumagalaw sa labas. Mukhang tulog na tulog pa ang lahat sa oras na ito.
Muli niyang pinatay ang ilaw at bumalik sa kusina. Matapos makainom ng tubig ay ibinalik niya ang boteng hawak-hawak sa refrigerator. Babalik na sana siya sa kanyang kuwarto ng may makita sa gilid ng kanyang mga mata. Para itong isang tao na nakatayo sa may bintana. Nakasuot ito ng kulay puting damit.
Mabilis siyang lumingon, dama ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Nang makita kung ano ang nakakuha ng kanyang atensyon ay napatawa siya. Ang inakala niyang taong nakaputi ay ang kurtina lamang pala na bahagyang pinasasayaw ng hangin sa labas.
Napabuntong-hininga si Hannah at tinungo na ang kanyang kuwarto. Muli ay humiga siya sa kanyang malambot na kama.
“Anong ginagawa mo rito?”
Nagulantang si Hannah sa narinig at napabalikwas mula sa kinahihigaan. Iginala niya ang tingin sa paligid ngunit wala naman siyang nakita dahil madilim. Hindi sapat ang liwanag na nanggagaling sa buwan na pumapasok sa kanyang bintana.
“Anong ginagawa mo rito?”
Muling narinig ni Hannah ang boses. Sa pakiwari niya ay lalo itong lumakas at para bang punung-puno ng galit.
“S-Sinong nandyan?” tanong ni Hannah. Pilit niyang inilakas ang kanyang boses upang ipakitang hindi siya natatakot ngunit nanginginig naman ang kanyang tinig.
“H-Hindi ako natatakot. T-Tatawag ako ng pulis.”
Iginalang muli ni Hannah ang kanyang mga mata sa buong kuwarto. Kahit madilim ay pilit niyang inaaninag ang bawat sulok ng silid.
“Bakit ka nakahiga sa kama ko?”
Lumingon si Hannah sa may bintana at nahintakutan siya sa kanyang nakita. Ang babaeng nakaputi na kanina ay humahabol sa kanya, ngayon ay nasa loob ng kanyang kuwarto. Kitang-kita niya ang mukha at hitsura ng babae kahit na madilim.
Mahaba ang kulot na buhok ng babae na mukhang ilang araw ng hindi pa nalilinis at nasusuklayan. Ang mga mata naman nito ay nanlilisik, galit na galit. Nakangiti ang babae kaya’t kitang-kita ni Hannah ang mga ngipin nitong bungi-bungi at ang ilan ay nangingitim na sa kabulukan. Ang suot naman nitong damit ay mahaba, parang pantulog, at puting-puti.
Napasigaw si Hannah sa nakita. Ngunit agad din siyang napatahimik ng sunggaban siya ng babae at takpan ang kanyang bibig. Dinaganan pa siya nito kaya’t hindi siya makagalaw.
“Bakit ka nakahiga sa kama ko?” muling tanong ng babae. Mula sa likuran nito ay dumukot siya ng isang bagay. Nang itaas niya ang kanyang kamay ay hawak-hawak na nito ang isang malaking kutsilyo.
Nanlaki ang mga mata ni Hannah sa nakita. Pinilit niyang pumiglas ngunit dinadaganan ng mga tuhod ng babae ang kanyang mga braso.
“Kailan ka ba mawawala sa buhay ko?” tanong ng babaeng nakaputi sabay tutok ng patalim sa leeg ni Hannah.
Diyos ko po! Tulungan niyo po ako, pagsusumamo ni Hannah na hindi napigilang mapaiyak sa takot.
Biglang sumigaw ang babaeng nakaputi, isang nakapangingilabot na sigaw. Pagkatapos ay itinarak nito ang hawak na patalim sa leeg ni Hannah.
Napapikit si Hannah sa sakit. Ramdam niya ang pagtagas ng kanyang dugo. Ramdam din niya ang biglang panghihina na kanyang katawan.
Diyos ko po!
Ito ang huling mga salita ni Hannah bago siya nilamon ng kadiliman.
Thank you sirAng sakit na ng paa ko, mahinang sabi ni Hannah. Kanina pa siya nakatayo sa ilalim ng waiting shed, tinatanaw ang kalsadang halos walang sasakyang dumadaan. Muli niyang ipinadyak-padyak ang kanyang mga paa na nakasuot ng high heels na may tatlong pulgada ang taas.

Malamig.
Dahan-dahang idinilat ni Hannah ang kanyang mga mata.
Nasaan ako?
Iginala niya ang kanyang mga mata. Nasa isang maliit na silid siya. Ang mga pader ay pulos kulay puti. Nakahiga siya sa isang maliit ngunit malambot na kama. Sa isang pader ay may nakakabit na wall fan at maingay na umiikot-ikot.
O-Ospital ba ito?
Bagamat nanghihina ay pinilit niyang tumayo.
O-Ospital nga! Ospital nga ito. Ligtas ako.
Muli niyang naalala ang mga nangyari. Isang babaeng nakaputi, isang babaeng baliw ang humabol sa kanya at tinadtad siya ng saksak. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata.
Agad niyang ininspeksyon ang kanyang katawan. Wala siya ni isa mang sugat.
Ano ito? Panaginip na naman ba iyon? P-Pero, bakit nasa ospital ako.
“Talagang hindi mo ako tatantanan, ano!”
Isang matigas na bagay ang tumama sa kanyang ulo kaya’t muli siyang napahiga. Pagkatapos ay isang mabigat na bagay ang pumatong sa kanya.
Ang babaeng nakaputi.
Inupuan nito ang kanyang tiyan at dinaganan ng mga tuhod nito ang kanyang dalawang braso.
“Ikaw ang sumira ng buhay ko!” sigaw nito sabay sampal kay Hannah.
Napasigaw si Hannah sa sakit at sa pagkagulat. “A-Ano bang ginawa ko sa iyo? Bakit mo ba ako ginaganito?” nagmamakaawang tanong ni Hannah.
Tumawa lang ang babae. “Ang tibay mo rin, ano? Kahit ilang beses kitang patayin, nandiyan ka pa rin palagi. Sabi tuloy nila, baliw daw ako. Na imahinasyon lang kita. Na hindi ka totoo.”
“Nababaliw ka na talaga!” sigaw ni Hannah. Sinubukan niyang kumawala ngunit mabigat ang babae.
Muling humalakhak ang babae. “Ako? Baliw? Paano akong magiging baliw eh, nandito ka nga. Nakikita kita. Nahahawakan.” Mabilis na inilagay ng babae ang kanyang dalawang kamay sa leeg ni Hannah.
“Maawa ka. Hu—“ Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin ng sakalin siya ng babaeng nakaputi.
“Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na! Please!”
(This is an original work by COPRO14 :TROLL:. For more stories from this author, please visit LUCIDIRE.COM)
###
“Edwin, yung patient sa Room 155, si Jessica de los Santos, nagwawala na naman.”
“Ha? Anong ginagawa?”
“Sinasakal yung unan niya tapos nagsisisigaw, ‘Mamatay ka na! Mamatay ka na!’”
“Ah, naku ganun talaga iyon. Titigil din iyon maya-maya.”
“Ganun ba? Nag-aalala lang ako baka kasi maistorbo yung ibang pasyente.”
“O sige. Kapag hindi pa siya tumigil in five minutes, bigyan natin siya ng pampakalma.”
“Okay. Pero, kawawa naman siya, ano.”
“Ganun talaga. Isa siyang babaeng baliw.”
Salamat po sa storiesGaling naman. More pa nito
Ganda poThank you sir