Welcome to Mobilarian Forum - Official Symbianize forum.

Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?

Ang Aral ng Isang Lapis

G 0

gomugomuno

Abecedarian
Member
Access
Joined
Oct 16, 2014
Messages
123
Reaction score
57
Points
28
grants
₲1,507
10 years of service
Bumli ako ng lapis,
pinilit gumuhit.
Sang ulap sa langit
naisip iguhit...

Natapos ang obra,
masayang pinasa.
Tawa ng Maestra,
"Ang gandang palaka!"

3/4 na ang lapis,
pinagsulat pilit...
Inayos ang titik,
basa y tila awit!

Natapos ang akda,
basa ng Maestra.
(Mukha ay namula...)
"Pussy" daw ang basa!

Binili kong lapis
binali sa galit...
Pananda ng titik,
dinala y hinagpis!

Nakita ng Ina,
ang aking ginawa.
Binuod kong istorya,
mahinang natawa...

"Lahat mong ititik,
Lahat mong iguhit...
Sa isip pagsapit,
Ramdam pati pait..."

"Sa Mundoy nakahanda
ang manunuligsa,
Anong buti ng bunga,
sa iba y masama..."

"Marami ang pikit
nais lang makasakit,
ibon ka mang pipit
babatuhing pilit.."

"Mga bait at nasa
Gano man karangya,
Iyay balewala...
Sa demonyong iba!"

"Iyang baling lapis,
tumtugon sa hilig.
Gawin mo ang nais,
wag lang mananakit..."

"Sa iba y ligaya
lumikha ng tula.
Pipigilan mo ba,
sa maling tuligsa?"

Bumli ako ng lapis,
Ina ang nagtulis.
"Gawin mo ang ibig;
sumulat, gumuhit..."

"Lapis na may tasa,
Gamitin sa tama.
Huwag sa tuligsa t
Ipandukit-mata!"

Alay ko ito sa lahat ng Ina na lakas at inspirasyon ng kani-kanilang mga anak.Patama ko ito sa isang manunulat na tumutuligsa sa akin sa kabila. I think, unibersal din naman ang aral na inilahad ko dito para sa ibang manunulat na nakakalimutan yata ang kasabihang:

We write to express and not to impress!

Salamat, Lucidire...
 
jughead3716 50

jughead3716

Alpha and Omega
Contributor
Access
Joined
Jun 28, 2014
Messages
5,120
Reaction score
11,332
Points
113
grants
₲128,633
11 years of service
nice nito punkz....parang may malalim na meaning... :)
 
OP
G 0

gomugomuno

Abecedarian
Member
Access
Joined
Oct 16, 2014
Messages
123
Reaction score
57
Points
28
grants
₲1,507
10 years of service
jughead3716 said:
nice nito punkz....parang may malalim na meaning... :)
Yes Sir, ispesyal sa akin ang tulang ito para sa mga nagnanais magsulat at para sa mga nagnanais ding bumagsak ang literaturang pinoy. Hinihikayat ko ang lahat na magsulat. Palawakin po natin ang literature section.

Salamat Sir Jugz..
 
jughead3716 50

jughead3716

Alpha and Omega
Contributor
Access
Joined
Jun 28, 2014
Messages
5,120
Reaction score
11,332
Points
113
grants
₲128,633
11 years of service
gomugomuno said:
Yes Sir, ispesyal sa akin ang tulang ito para sa mga nagnanais magsulat at para sa mga nagnanais ding bumagsak ang literaturang pinoy. Hinihikayat ko ang lahat na magsulat. Palawakin po natin ang literature section.

Salamat Sir Jugz..

youre welcome... :cute:

support ako jan sa wish mo punkz...try ko rin minsan na gumawa ng literary piece...hindi ko ito nagawa nun sa symb...baka dito ko palang magawa... :)
 
Top Bottom