Welcome to Mobilarian Forum - Official Symbianize.

Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?

[COPS HORROR STORY] Ang Manliligaw

J 0

jannix33

Transcendent
BANNED
Member
Access
Joined
Oct 22, 2024
Messages
32
Reaction score
3
Points
8
grants
₲75
3 months of service
Magandang estorya salamat sa pag share more
 
G 0

Ghidorah777

Transcendent
Member
Access
Joined
Nov 5, 2024
Messages
33
Reaction score
1
Points
8
grants
₲74
3 months of service

Wow! Ang ganda niya!

Ito ang unang naisip ni Anton ng makita niya si Andrea. Fourth year high school na siya ngunit kinailangan niyang magtransfer sa isang public school dahil hindi na kaya ng kanyang mga magulang ang tuition fee sa pinapasukang private school. Sa una ay nanibago siya sa kapaligiran, palibhasay damuhan pa ang school field at marami sa mga estudyante ang hindi naka-uniporme at pawang nakatsinelas lamang. Buti na lamang at nakita niya si Jeric, na dati niyang kaklase noong elementary pa lamang siya. Si Jeric ang nagpakita sa kanya ng kalakaran sa isang public school.

“Jeric, sino yun?”

“Ha?” Sinundan ng tingin ni Jeric ang itinuturo ni Anton. “Sino ba?”

“Ayun. Yung babaeng nakaupo sa ilalim ng puno.”

Ilang segundo bago natagpuan ni Jeric ang itinuturo ng kaibigan. “Ahhh. Ayun ba? Si Andrea yun.”

“Andrea?” nakangiting sabi ni Anton.

“Oo. Bakit mo naman naitanong?”

“Eh, a-ang ganda niya noh!”

“Naku, naku, naku. Mukhang alam ko na kung ano ang iniisip mo. Sinasabi ko sa’yo, huwag mo na ituloy yang binabalak mo?”

“Ha?” bulalas ni Anton. “Bakit naman? May boyfriend na ba siya?”

“Wala pa.”

“Oh! Wala naman pala, eh. Mabuti pa ipakilala mo ko.”

“Huwag na! Mabuti pa kalimutan mo na nakita mo siya.”

“P-Pero…”

“Halika na. Magsisimula na ang klase.” Hinawakan ni Jeric si Anton sa braso at pilit na hinila patungo sa kanilang silid aralan.

Hindi maintindihan ni Anton kung ano ang problema ni Jeric. Bakit ba siya ayaw ipakilala nito sa dalaga? Hindi kaya may pagtingin din si Jeric sa babae?

“Pssst!” tawag ni Anton kay Jeric habang nagsusulat sa pisara ang kanilang guro.

“Jeric.”

Lumingon si Jeric sa kanyang likuran. “Bakit?”

“Yung babae? Si Andrea? Type mo siguro yun ano, kaya ayaw mong ipakilala sa akin. Popormahan mo ba?” nakangiting tanong ni Anton.

“A-Ano?” biglang nalukot ang noo ni Jeric.

“Hayaan mo. Hindi naman ako papapel kung popormahan mo siya.”

“H-Hindi ano!” Napalakas ang boses ni Jeric kaya’t napalingon ang kanilang guro.

“Umamin ka na,” pambubuyo ni Anton ng muling humarap sa pisara ang kanilang guro.

“Hindi ko siya popormahan ano. At kung alam mo ang makakabuti sa’yo, huwag na huwag mo rin siyang liligawan,” pagalit na sagot ni Jeric.

Lalong nagtaka si Anton sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagtutol ni Jeric sa pagnanais niyang makilala si Andrea. At sa inasal ni Jeric kanina, para bang mayroon itong kinatatakutan.

Pagdating ng uwian ay agad na hinabol ni Anton si Jeric.

“Pare, tapatin mo nga ako. Bakit ba ayaw mo akong ipakilala kay Andrea?”

“Basta, makinig ka na lang sa akin.” sagot ni Jeric sabay lakad palayo.

Agad naman siyang pinigil ni Anton, hinarang ang kanyang daraanan. “Bakit nga? Sabihin mo sa akin? Ano? Mahigpit ba ang mga magulang niya? O baka may mga kuya siya na overprotective? O baka sindikato ang buong pamilya niya?”

“Hay naku,” ang tanging sagot ni Jeric.

“Ano ba? Sabihin mo na sa’akin?”

“O sige. Pero baka hindi ka maniniwala.”

“Bakit naman?”

“Basta,” sagot ni Jeric pagkatapos ay tinungo ang direksyon ng basketball court, “sumunod ka na lang sa akin.”

Pagdating sa court ay naupo sila ng isa sa bench. May mangilan-ngilang batang naglalaro ngunit hindi naman sila pinapansin ng mga ito.

“O ano? Sasabihin mo na ba?” tanong ni Anton.

Huminga ng malalim si Jeric. “Alam mo kasi, napakarami ng nanligaw diyan kay Andrea.”

“O, sabi mo wala naman siyang boyfriend di ba?”

“Wala nga. Pero marami ng nanligaw sa kanya. Siyempre, napakaganda niya hindi ba?’

Tumango lang si Anton.

“Sa maniwala ka man o sa hindi, lahat ng nanligaw kay Andrea ay namatay.”

Napanganga lamang si Anton sa narinig.

“Hindi lang sila basta namatay, inabot sila ng katakut-takot na malas at pagkatapos ay nagkasakit ng malala.”

Dito ay natawa si Anton. “Ano ka ba naman? Anong sinasabi mo? Na may malas si Andrea?”

“Hindi lang malas,” nanlalaki ang mga matang sagot ni Jeric. “Sabi nila, mayroon daw manliligaw si Andrea. Isang manliligaw na hindi tao.”

Parang kinilabutan si Anton ngunit hindi dahil sa sinabi ng kaibigan. Kinilabutan siya dahil sa reaksyon ni Jeric. Nakatingin ito sa malayo, para bang may naaalalang hindi maganda. Bakas sa mukha nito ang takot.

“T-Teka? Ano ba yang sinasabi mo?”

“Maniwala ka, Anton. Mayroong kung anong espiritu o lamanglupa ang nakadikit kay Andrea. Sinusundan siya nito kahit saan siya magpunta. Kahit mismo ang mga magulang niya ay nagsasabi na may nahuhumaling na kung ano kay Andrea. Kaya’t lahat ng lalaking nanliligaw sa kanya, nagkakasakit at namamatay.”

Muling tumawa si Anton, ngunit halatang napipilitan lamang siya. “Ano ka ba? Sa panahon nating ito, nagpapaniwala ka pa sa mga ganyan?”

“Maniwala ka sa’kin. Kung ayaw mo pang mamatay, layuan mo ang babaeng iyon.”

Biglang tumayo si Anton. “Hay naku! Puro ka kalokohan. Hindi totoo yang mga lamanglupa na iyan. Papatunayan ko yan. Makikita mo!” Mabilis na tumalikod ang binata at naglakad pauwi.

“Anton!”

###

“Hi Andrea!”

Lumingon ang dalaga, at para bang huminto ang pagtibok ng puso ni Anton. Napakaganda ng babae.

“H-Hi. Ako nga pala si Anton. Fourth year ako dito. Kakatransfer ko lang.”

Hindi sumagot ang dalaga. Bagkus ay bigla-bigla itong tumayo at lumakad palayo.

“Sandali lang!” Hinarangan ni Anton ang daraanan ng babae. “Gusto ko lang namang makipagkilala.”

Muling tinangka ng dalaga na umalis ngunit hinawakan siya sa braso ni Anton. “Sandali, huwag kang matakot.”

“Ano ka ba!” galit na sigaw ng babae. “Hindi ka ba natatakot sa akin? Gusto mo na bang mamatay?”

Ngumiti si Anton, inilabas ang kanyang magandang mga ngipin. “Bakit naman ako matatakot sa iyo, eh ang ganda ganda mo. Saka hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ng iba. Basta ako, gusto kitang maging kaibigan.”

“Hindi mo naiintindihan.”

“Huwag kang mag-alala, wala akong balak na masama sa iyo.”

Kahit nakatungo ang babae ay nakita ni Anton na napangiti ito.

Mukhang kinilig din. Tinatablan na rin siya ng appeal ko, nasabi niya sa sarili.

“M-Mahuhuli na ako sa klase,” mahinang sabi ni Andrea.

“Hatid na kita sa classroom mo.”

Hindi nga nagtagal at naging mabuting magkaibigan ang dalawa. Naging usap-usapan tuloy sila ng buong eskuwelahan. Makailang ulit din siyang kinausap ni Jeric, na laging nauuwi sa kanilang pagtatalo. Hanggang sa putulin na ni Anton ang kanilang pagkakaibigan.

Isang araw, nakita ni Anton si Andrea na umiiyak sa ilalim ng puno ng mangga.

“Andrea. Anong problema? Bakit ka umiiyak?”

“A-Anton, hindi na tayo dapat magkita.”

“H-Ha! B-Bakit naman? May nagawa ba akong mali?”

“W-Wala. Napakabuti mo nga sa akin.”

“Pero bakit ayaw mo ng makipagkita sa akin?”

“A-Alam mo naman yung mga sinasabi ng mga tao sa akin hindi ba?” tanong ni Andrea sabay talikod.

Tumango si Anton.

“Alam kong hindi ka naniniwala, pero totoo ang lahat ng iyon. Ayaw kong mapahamak ka kaya’t hindi na dapat tayo magkita pa.”

Hinawakan ni Anton ang babae sa balikat at iniharap sa kanya. “Ano bang sinasabi mo? Bakit ka ba nagkakaganyan?”

Lalong lumuha si Andrea. “Nagagalit na siya sa iyo. Pinagbabantaan ka niya. Ayokong masaktan ka. Ayokong may mangyari sa’yong masama!”

“Sino ba ang tinutukoy mo? Yun bang manliligaw mong lamanlupa? Puwes hindi ako natatakot sa kanya!”

“P-Please! Please Anton, layuan mo na ako.”

Niyakap ni Anton ang dalaga ng mahigpit. “Huwag kang mag-alala. Akong bahala. Sisiguraduhin kong hindi ka na gagambalain ng lamanlupang iyan!”​
Ganda ssob
 
C 0

cryll

Abecedarian
Member
Access
Joined
Nov 11, 2024
Messages
50
Reaction score
4
Points
8
grants
₲105

nice may mga ganto rin pala dito. newbie here
 
Top Bottom