Welcome to Mobilarian Forum - Official Symbianize.

Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?

Ang mahiwagang ""saging"" :D

P 0

Pewmewpewpew

Transcendent
Member
Access
Joined
May 31, 2023
Messages
35
Reaction score
1
Points
6
grants
₲111
2 years of service
310815739112944


SAGING: Ang Pinaka-healthy na Prutas sa Buong Mundo
By Dr. Willie T. Ong (Like and Share po)

May kasabihan na An apple a day keeps the doctor away
Ang bago ngayon ayTwo bananas a day keep the doctor away.Marami nang pagsusuri ang nagsasabi na ang saging ay sobrang healthy at napakabuti sa katawan.
Heto ang mga nilalaman ng isang saging na 100 grams: Calories: 88 calories, Vitamin A: 430 I.U., Vitamin B: Thiamine .04 mg., Vitamin C: 10 mg., Calcium: 8 mg., Iron: 6 mg., Phosphorus: 28 mg., Potassium: 260 mg., Carbohydrates: 23 grams, at Protein: 1.2 mg.

Sobrang Dami ang Benepisyo ng Saging (Lakatan, Latundan o Saba):

1. Tiyan Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.

2. Pus0 Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalu na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.

3. Parang MultivitaminKung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, you can Have It All like Edu Manzano and Feel Complete like Piolo Pascual. Tipid pa!

4. Mabuti sa ColonDahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka natin.

5. Good for exercise Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-Gym, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa bag lagi, tulad ko.

6. Para sa stress at pang-relaxAlam ba niyo na ang saging ay may tryptophan?Alam ba niyo na ang saging ay may tryptophan? Ito y isang kemikal na nagpapasaya sa atin at nagpapaganda ng ating emosyon. Kaya kung depressed ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha, mag-saging ka na.

7. Pangbaon talagaKaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Hirap kainin hindi ba? Pero ang saging ay napakaganda ng lalagyan. Talagang ginawa ng Diyos para kainin.

8. Baka makabawas ng Leukemia at Hika sa Bata

May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata o sanggol ay lagi mong papakainin ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin sila magkakaroon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami ang naniniwala nito.

Kaya kahit ano pa ang nararamdaman mo, kumain ka na ng saging para maging healthy at malakas.


For more tips, LIKE my other page - Dr Willie Ongs Health Tips

Please, Log in or Register to view URLs content!
Buti pa ang saging may puso
 
Top Bottom