Welcome to Mobilarian Forum - Official Symbianize.

Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?

[COPS HORROR STORY] Ang Manliligaw Part II

L 0

lopesxx

Transcendent
Member
Access
Joined
Nov 19, 2024
Messages
31
Reaction score
0
Points
6
grants
₲55
2 months of service

“Tao po. Tao po.”

Nakatayo si Anton sa harap ng isang bahay kubo na nasa gitna ng malawak na bukirin. Maraming naglalakihang mga puno sa paligid na nagsasaboy ng maiitim na anino kayat mukhang takipsilim na kahit tanghaling tapat pa lamang.

“Tao po,” muling kumatok si Anton.

“Sinong hinahanap niyo?”

Lumingon si Anton sa kanyang likuran at nakita ang isang lalaking nakasuot ng puting t-shirt. May edad na ito at napapanot na ang tuktok. May katabaan din ito at ang bilugang tiyan ay bumabanat sa suot niyang damit.

“M-Magandang araw po. Dito po ba nakatira si Mang Ben? Yung albularyo?” tanong ni Anton.

“Ah, ako si Mang Ben. Bakit mo naman ako hinahanap?”

“Hihingi po sana ako ng tulong. Tungkol po sa problema ng isang kaibigan.”

“Ganun ba,” sabi ni Mang Ben. “Halika, pasok tayo. Galing kasi ako sa kabilang baranggay at nagtawas ako.”

Kahit maliit lamang ay malamig at komportable sa loob ng kubo ng albularyo. Maraming mga halaman at dahon-dahon ang nakasalansan sa isang maliit na lamesa sa gitna ng kubo.

“Oh, ano ba ang problema ng kaibigan mo?” tanong ni Mang Ben ng makahanap ng mga bangkong mauupuan nila.

“Eh, kasi ho…” hindi alam ng binata kung paano magsisimula. “”Meron po kasi akong kaibigang babae na nagugustuhan daw ng isang espiritu? Sabi ng iba, lamanglupa daw. Eh, lahat daw ng nanliligaw dun sa kaibigan ko ay nagkakasakit at namamatay.”

Napahawak sa kanyang baba ang albularyo at nag-isip.

“Matutulungan niyo po ba siya?” tanong ni Anton.

“Kung gayon,” sagot ni Mang Ben, “may gusto ka rin ba sa babaeng iyon at gusto siyang ligawan?’

“H-Ho?” ramdam ni Anton ang pamumula ng kanyang mga pisngi.

“Ok lang yan. Huwag kang mag-alala. Madali lamang ang problemang iyon.”

“T-Talaga ho? Matutulungan niyo kami?”

“Oo naman. Ako yata ang pinakamagaling na albularyo sa probinsyang ito,” sabi ni Mang Ben sabay tawa. “Mabuti pa isama mo rito bukas ang kaibigan mo.”

“Sige po! Pupunta po kami dito!” tugon ng binata na hanggang taenga ang ngiti.

Kinabukasan, maaga pa lamang ay tinungo na ng dalawa ang kubo ng albularyo.

“Sigurado ka ba dito?” tanong ni Andrea.

“Oo. Si Mang Ben yata ang pinakamagaling na albularyo sa probinsyang ito!” sagot ng binata.

Sa kanilang harap ay naglalaga ng mga dahon si Mang Ben. Matapos itong amuyin ng ilang beses, sinala niya ito at pagkatapos ay dinikdik ito gamit ang isang malaking bato. Nang mapulbo ang mga dahon, binalot niya ito gamit ang isang pulang tela. Pagkatapos ay naupo siya sa harapan nina Andrea at Anton.

“Kayong dalawa, sigurado ako na kaya kayo naparito ay dahil nag-iibigan kayo.”

Nagkatinginan sina Andrea at Anton at pagkatapos ay tumango.

“Mabuti yan,” sabi ni Mang Ben. “Alam niyo kasi, napakalakas talaga ng kapangyarihan ng emosyon. Pag-ibig, katuwaan, galit, kalungkutan. Lalo na sa mga di-nakikitang nilalang.

“At hindi natin maiiwasan na talagang may mga nilalang na nahuhumaling sa mga tao. Madalas ay naaakit sila sa kagandahan ng isang tao, o kaya naman ay sa kabutihang loob nito. Sa kasamaang palad, ang mga nilalang na ito ay talagang seloso at mapang-angkin kaya’t ayaw nilang may ibang nagkakagusto sa taong kinahuhumalingan nila.

“Pero huwag kayong mag-alala. Kung totoong nagmamahalan kayo, iyan ang inyong magiging proteksyon. Gagamitin natin ang lakas ng inyong pag-ibig laban sa pag-ibig ng nilalang sa iyo, Andrea. Pag-ibig laban sa pag-ibig. Kaya’t siguraduhin ninyong mas malakas ang inyong pag-ibig kaysa sa nararamdaman ng nilalang.

“Handa na ba kayo?”

Naghawak kamay si Andrea at Anton. “Handa na kami.”

Nagsimulang magdasal si Mang Ben habang hawak-hawak ang pulang tela. Hindi maintindihan ni Anton ang sinasabi ng albularyo ngunit sa tingin niya ay ito ay wikang Latin. Bigla-bigla ay humangin ng malakas. Nilipad ang mga dahon na nakapatong sa lamesa. Ngunit ang ipinagtataka ni Anton ay hindi naman gumagalaw ang mga dahon ng puno sa labas. Mukhang tanging sa loob lamang ng kubo mayroong malakas na hangin. Patuloy lamang sa pagdarasal si Mang Ben.

Biglang tumayo si Andrea at sumigaw.

“Andrea!” bulalas ni Anton.

Para bang mayroong humihila sa dalaga. Hinigpitan ni Anton ang pagkakahawak sa kamay ni Andrea at hinila ito papalapit sa kanya. Ngunit sadyang malakas ang kung anong humihila sa babae.

“Ipakita niyo ang lakas ng inyong pag-ibig,” malakas na sabi ni Mang Ben.

“Hindi kami magpapatalo!” Tumayo si Anton at mahigpit na niyakap si Andrea. Mahigpit din siyang hinagkan ng dalaga. Lalong lumakas ang hangin sa loob ng kubo, halos liparin na ang mga gamit. Naramdaman ni Anton ang muling paghila sa dalaga ngunit pakiwari niya ay para bang nabawasan ang lakas nito.

“Lubayan mo na kami. Mas malakas ang pag-ibig namin sa iyo!”

Walang anu-ano ay biglang tumigil ang malakas na hangin. Nawala na rin ang puwersang humihila kay Andrea. Dahan-dahan ay kumalas ang dalawa sa pagkakayakap.

“A-Anong nangyari?” tanong ni Andrea.

“Tapos na,” sagot ni Mang Ben na dahan-dahang tumayo.

“T-Talaga ho?” tanong ni Anton.

“Oo.”

Muling nagyakapan ang dalawa sa tuwa.

“Nagtagumpay kayo. Napatunayan niyo na mas malakas ang inyong pag-ibig kaysa sa pag-ibig ng nilalang na iyon.”

“Maraming salamat po, Mang Ben!”

“Wala iyon. Heto, tanggapin niyo ito.” Inabot ni Mang Ben ang hawak niyang pulang telang may lamang mga dinikdik na dahon. “Proteksyon iyan upang wala nang mahumaling na nilalang sa iyo.”

Nag-aalangan ngunit inabot ni Andrea ang pulang tela.

“Isuot mo lang lagi sa iyo yan. Po-proteksyunan ka niyan.” Kinuha ni Mang Ben ang isang bangkong natumba at pabagsak na naupo. Hinihingal ito na para bang pagod na pagod.

“Maraming salamat pong muli, Mang Ben.”

###

Sa unang pagkakataon ay nakalabas ang dalawa at nakapamasyal ng magkasama. Marami ang nagulat ng makitang walang nangyaring masama kay Anton.

Papauwi mula sa panonood ng sine, nakatayo ang magkatipan at naghihintay ng masasakyang jeep.

“Nag-enjoy ka ba, Andrea?”

“Oo, Anton. Maraming salamat, ha.”

“Wala yun. Basta para sa’yo, gagawin ko kahit ano.”

Walang anu-ano ay mayroong sumakal kay Anton mula sa likuran.

“Ano-“

Isang malamig na palad ang tumakip sa kanyang bibig. Naramdaman niya na tumusok sa kanyang pisngi ang matatalas na kuko nito, dahilan upang tumulo ang dugo sa kanyang leeg.

“H-Hinde!” mahinang sabi ni Andrea.

Anong nangyayari? may takot na tanong ni Anton sa sarili.

“Akala niyo ba mapapaalis niyo ako ng ganun-ganun lang?” Isang nakakatakot na boses ang nagmula sa kanyang likuran.

Sino ito?

“H-Hindi!” bulalas ng dalaga. “Hindi mo na dapat kami gagambalain. Natalo ka ng aming pag-ibig.”

Tumawa ng malakas ang lalaking nasa likuran ni Anton. Nakakakilabot ang tunog ng kanyang halakhak, parang galing sa ilalim ng lupa.

“Tinalo ng inyong pag-ibig ang aking pag-ibig?”

“O-Oo,” sagot ni Andrea.

Muling humalakhak ang nilalang. “Sino bang may sabing nahuhumaling ako sa’iyo?”

“A-Ano?” ang tanging nasabi ni Andrea.

“Totoo. Kung pag-ibig laban sa pag-ibig, siguradong matatalo ako dahil mas malakas ang pag-iibigan ninyong dalawa. Ngunit hindi naman kita iniibig.”

Hindi maintindihan ni Anton ang mga nangyayari. Pumalpak ba ang orasyon ni Mang Ben?

“Galit ako sa’yo,” sabi ng nilalang kay Andrea. “Hindi kita iniibig, bagkus ay galit na galit ako sa’iyo. Kaya ko pinapatay lahat ng manliligaw mo ay dahil ayokong maging masaya ko. Gusto kong maramdaman mo ang walang katumbas na kalungkutan.”

“H-Hindi…”

“Kaya walang bisa ang seremonya ng magaling ninyong albularyo. Ang seremonyang iyon ay para lamang sa mga nilalang na nahuhumaling sa mga tao.

“Hindi ito tumalab sa akin dahil galit ang nararamdaman ko para sa’iyo.”

Gustong tumakbo ni Andrea ngunit hindi siya makagalaw. Hindi rin siya makasigaw upang humingi ng tulong.

“At ngayon, magpaalam ka na sa minamahal mo!” Itinulak ng malakas ng nilalang si Anton sa kalsada. Saktong mayroong dumaang 18-wheeler truck at sinalpok ang katawan ng binata. Tumilapon ang lalaki ng ilang metro. Wala na siyang buhay bago pa man siya bumagsak sa malamig na semento.

Dito nawalan ng malay si Andrea. Ngunit kahit wala ng ulirat ay naririnig pa rin niya ang nakakatakot at malakas na halakhak ng kanyang inaakalang “manlilig​
Nice one
 
P 0

Pablopablo

Transcendent
Member
Joined
Dec 10, 2024
Messages
4
Reaction score
4
Points
1
grants
₲40
1 months of service

Dito nawalan ng malay si Andrea. Ngunit kahit wala ng ulirat ay naririnig pa rin niya ang nakakatakot at malakas na halakhak ng kanyang inaakalang “manliligaw.​
Kanais nais basahin nito ang ganda ng nilalaman
 
I 0

ilaw

Transcendent
Member
Access
Joined
Dec 25, 2024
Messages
34
Reaction score
2
Points
8
grants
₲74
1 months of service
You should be publishing these on watt pad might be interesting
 
Top Bottom