Para ito sa mga hindi nabuhay at hindi pa kayang magisip para sa sarili between 1960s to 1983 when Ninoy was assassinated. All of this? It is just Propaganda versus Counter Propaganda. Yun lang yun.
Siempre makikinig kayo sa mga role models nyo mapa teacher, si Padre damaso, si profesor, mga magulang, pwede na rin kalampungan nyo paniniwalaan niyo mga paniniwala nila, role models eh. Kung role model mo dilawan, well magiging dilawan / kakampink ka, kung role model mo loyalista, magiging loyalista ka, kung role model mo DDS, loyal ka kay PDuts, kung kalampungan mo makakaliwa, sisigaw ka rin ng "makibaka". Ang politika, kahit saan sa mundo, tanggapin na natin ay ito ay isang labanan, isang digmaan, at tayong mga pesante, mga maliit, parte lang ng kanilang istratehiya.
Kaya kung hindi mo naranasan ang mga panahon na iyon at magkaroon ng masusing pagsisiyasat sa kundisyon ng mga tao sa panahon na iyon, masasabi ko lang na sa role models kayo magtanong, sa internet kayo maghanap, at kung kakayanin ng sikmura mo alamin mo rin bakit ang mga tulad ni Duterte, ni marcos, ni Putin, ni Tate, ni Ye, ni Trump sa buong mundo ay tinitingala ng milyong milyong mga tao kahit na hindi sila bahagi ng kampo ng mga Liberal at Makakaliwa at tingin nyo sa kanila mga kaaway at basura.