J
50
Respetado ko po ang anumang opinyon mo at malaya tayo dito magpahayag ng ating mga saloobin. Ako ay nagagalak na nag-research ka rin sa labas ng tinuturo ng Tiktok, mga self-proclaimed historian sa Youtube, at ng mga truly trusted media outlets gaya ng NET25 at SMNI News. Pasensya na ho at nadala rin ako ng emosyon sa huli kong naisulat na 70,000 na namatay at nawala during Martial Law. Narito pala ang full details ng report ng Amnesty International. About 70,000 people were imprisoned and 34,000 tortured, while 3,240 were killed from 1972 to 1981. Sa aking pagkakaalala, kinuwestiyon ni Marcos Jr. sa panayam kay Boy Abunda kung pumunta ba talaga sa Pilipinas noong Martial Law ang Amnesty International o baka naman gawa-gawa lang ang mga numerong ito. Ganito rin ang pahayag ni Ferdinand Marcos noong siya ay nabubuhay pa sa artikulong ito with the NY Times () Ngunit sa aking pananaliksik, tunay nga na dalawang beses pumunta sa pinas ang AI noong Martial Law ayon na rin sa fact check na sinagawa ng Agence-France Presse (AFP) na makikita mo rito . Makikita rin ang full report ng Amnesty International mula rito at supportado ng artikulo na ito mula pa noong 1982 . Mahalaga ang mga artikulong ito dahil isa itong patunay na meron ngang mga karahasan na naganap sa panahon ni Ferdinand Marcos.Pasintabi lang ho, Saan mo kinuha ang numero na iyan? Napatunayan ba ng mga korte sa Pilipinas na totoo ang mga numero mo na yan? Kung maglalabas ho tayo ng opinyon, dapat may kaakibat na pagsasaliksik. Okay ang opinyon kung walang mga numero at baka maniwala basta basta ang mga madaling mapaniwala. Inaakusahan mo ng fake news ang kabila pero ang sinasabi mong 70,000 NA NAMATAY AT NAWALA, tama rin ho ba? Saan galing yang numero na yan? Dahil sa pagsasaliksik ko hindi yan ang lumabas sa bunganga ng anti-Marcos media at NGO. Alam ko na konti lang ang nagbabasa sa thread na ito pero dapat ho natin magbigay ng source sa mga numero na yan. Saan ho galing ang mga numero?
Kung willing ka pa po matuto sa mga human rights violations noong Martial Law, aking nirerekomenda ang artikulong akda ni Xiao Chua (isang batikang historian at may palabas sa PTV noon na Xiao Time) na makikita dito .
Muli, respetado ko ang iyong opinyon at open akong matuto sa iyong mga pananaw tungkol sa mga Marcos. Apat na dekada na mula noong Martial Law at malayo na ang narating ng Pilipinas, ngunit huwag sana natin kalimutan ang masalimuot na nakaraan ng ating bansa at siguraduhing di na ito mauulit muli. Hopefully HISTORY doesn't REPEAT itself at maging maayos ang pamamalakad ni Marcos Jr. God bless the Philippines.