trust history books and accounts i guess
May nga taong hindi naka ranas ng karahasan ng diktaturyang Marcos, pero hindi naman ibig sabihin nito na wala ng nakaranas ng karahasan.I want to ask a question mga guys kung meron man sa forum dito(if meron lang) na may kilala na naka nabuhay during Marcos rule at narinig ang story nila, or yung mga mabuhay mismo during Marcos rule? What was it like? kung ang media tatanungin ko brutal raw na dictatorship. pag pamilya ko, they talked abt how Philippines was one of the richest countries of Asia during his rule. May mga bagay that talked abt the good things he did, pero meron ding mga maraming masama. Kaya gusto ko lang talaga malaman from the people who experienced it talaga. If he did good things for the country, what went wrong for people to resent him that much? if he was really a brutal dictator bakit may mga supporters sya? Im tired of reading articles not knowing which is bias or not, so let me hear ano talaga nangyari from the very people itself who experienced it.
P.S im not trying to divide our community here, I just want to really know what happened, so no need to fight here. The idea of "political correctness" is just dumb. I dont want to hear biased na mga bagay, just plain life stories from the people who experienced it.
Sorry, the Yellow narrative is over. 31 million voters have spoken. Majority does'nt believe in your stories anymore. I'm out.May nga taong hindi naka ranas ng karahasan ng diktaturyang Marcos, pero hindi naman ibig sabihin nito na wala ng nakaranas ng karahasan.
Hindi nag sisinungaling ang mga numero, 3,000 killed and 70,000 tortured/raped during Martial law years.
Isama pa natin ang mahigit $10 billion na nakulimbat nila mula sa kaban ng bayan.
Kailangan din nating tandaan na ang cpp/npa bago mag takda ng martial law si Fem ay mangilan ngilan lang, in the span of 20 years lumobo ang bilang NPA dahil sa pag mamalupit ng diktaturyang Marcos sa masa.
Kahit kailan hindi ito naging Marcos vs Aquino. Ito’y Marcos vs Filipino.
Hindi ko maiwasang di magkumento sa mga sinabi mo idol pasensya na po pero di ko maatim na puro fake news ang iyong nasagap. Unang una, NEVER naging 1 is to 1 ang value ng dollar at peso noong panahon ni Marcos, at sa katunayan ay panahon pa lamang ni Diosdado Macapagal (tatay ni Gloria Arroyo) ay naglalaro na sa 2-4 pesos to 1 dollar ang palitan noong 1961-1965. Mula 4 pesos noong naupo si Marcos noong 1965 ay bumagsak ito sa 20 pesos to 1 dollar after nya maupo. Hindi rin po totoo na masagana ang pinas noong Martial Law sapagkat lubog po tayo sa utang para mapagawa lang yung mga infrastructure na pinagmamalaki mo gaya ng NAIA, CCP Complex at iba pang mga pampaganda sa mata ng tao ngunit butas ang mga tiyan. Talamak din ang patayan noong Martial Law at hindi nagsisinungaling ang 70,000+ na mga namatay at nawala at libo-libo pang mga nakulong. Kung naghahanap ka ng "Golden Age of the Philippines" ay tiyak na panahon ni Ramon Magsaysay Jr. ang hinahanap mo.Alam nyo, naging masama lang naman ang tingin ng new generation kay Ferdinand Marcos kasi yung ang nilagay nila sa Libro! karamihan din sa ipinapalabas ng media ay halos bias informations na. Hindi nyo ba naisip na sa panahon ni Marcos eh 1 is to 1 ang value ng dollar at peso? meaning masagana ang economy dati kasi ruler sya eh, hindi sya nagpapa sulsol bagkos sya mismo nag iisip kung paano mapapaganda ang bansa! andami nyang naiambag sa Pilipinas, mga benefits mga Agencies at mga Infrastructures.
For example nalang, Manila International Airport na ginawa nilang Ninoy Aquino International Airport kasi nga doon daw binaril si Ninoy, yung Bataan Nuclear Power Plant na kung ginamit nila eh sana mura ang ating Kuryente now, 13th Month pay na Isinabatas ni Marcos para sa mga pinoy na nagtatrabaho at kung ano ano pang mga bagay na ipinatupad nya para lang sa mga pinoy.
Sa lahat ng mga napagtanongan kong mga kamag anak na inabot ang Martial Law ni Marcos ay puro Positive feedbacks lahat ang napulot ko sa kanila. Ultimo tatay ko natatangahan sa Pamamalakad ng Pamahalaan mula ng mapatalsik si Marcos sa pagka Pangulo!
Eto ang mga feedback na binigay ng aking mga kamag anak at mga kakilala na nakaranas ng Martial Law.
yung mga nagrereklamo lang naman daw dati eh yung mga ayaw sumunod sa batas kaya nung nag people power tuwang tuwa sila pero nung na realize nila na bumabagsak daw ang pinas ayun nag sisi sa huli!
Sorry, the Yellow narrative is over. 31 million voters have spoken. Majority does'nt believe in your stories anymore. I'm out
Pasintabi lang ho, Saan mo kinuha ang numero na iyan? Napatunayan ba ng mga korte sa Pilipinas na totoo ang mga numero mo na yan? Kung maglalabas ho tayo ng opinyon, dapat may kaakibat na pagsasaliksik. Okay ang opinyon kung walang mga numero at baka maniwala basta basta ang mga madaling mapaniwala. Inaakusahan mo ng fake news ang kabila pero ang sinasabi mong 70,000 NA NAMATAY AT NAWALA, tama rin ho ba? Saan galing yang numero na yan? Dahil sa pagsasaliksik ko hindi yan ang lumabas sa bunganga ng anti-Marcos media at NGO. Alam ko na konti lang ang nagbabasa sa thread na ito pero dapat ho natin magbigay ng source sa mga numero na yan. Saan ho galing ang mga numero?Hindi ko maiwasang di magkumento sa mga sinabi mo idol pasensya na po pero di ko maatim na puro fake news ang iyong nasagap. Unang una, NEVER naging 1 is to 1 ang value ng dollar at peso noong panahon ni Marcos, at sa katunayan ay panahon pa lamang ni Diosdado Macapagal (tatay ni Gloria Arroyo) ay naglalaro na sa 2-4 pesos to 1 dollar ang palitan noong 1961-1965. Mula 4 pesos noong naupo si Marcos noong 1965 ay bumagsak ito sa 20 pesos to 1 dollar after nya maupo. Hindi rin po totoo na masagana ang pinas noong Martial Law sapagkat lubog po tayo sa utang para mapagawa lang yung mga infrastructure na pinagmamalaki mo gaya ng NAIA, CCP Complex at iba pang mga pampaganda sa mata ng tao ngunit butas ang mga tiyan. Talamak din ang patayan noong Martial Law at hindi nagsisinungaling ang 70,000+ na mga namatay at nawala at libo-libo pang mga nakulong. Kung naghahanap ka ng "Golden Age of the Philippines" ay tiyak na panahon ni Ramon Magsaysay Jr. ang hinahanap mo.