Cycle yan. No plans to improve education. Keep the voters uninformed and misinformed. Reelect incompetent govt officials
Agree ako dito. Yung pinaka importante talaga ay kailangan maging informed ang ating mga voters. Maraming nagpapaniwala ngayon sa fake news at sa mga pangako ng mga government officials na hindi naman praktikal. Tingnan na lang natin yung War on Drugs. Ang polisiya noon (sana di na maulit ngayon) ng gobyerno ay patayin ang mga gumagamit ng illegal na droga o di naman hulihin sila. Kung titingnan natin yung sistema ng ibang bansa, tinatrato nila ang pag gamit ng illegal drugs as a health issue. Dahil dito bumaba ang incident ng drug use sa bansa nila dahil nabigyan ng tamang intervention measures yung drug user at natulungan silang magbagong buhay.
Dito sa pinas, kinukulong natin ang drug users (yung iba naman pinapatay). Pano naman magbabago yung mga yun eh sinama mo sila sa mga masasamang loob? Paglabas niyan, malamang sa malamang babalik lang ulit yan sa pag gamit ng droga. Yung malala pa diyan, hindi naman lahat ng gumagamit ng droga ay adik na. Tingnan na lang natin ang paginom ng alak, kung naka isa ka ibig sabihin ba nun adik ka na sa alak? Di ba hindi? Maraming misconception sa paggamit ng droga, at sa halip na pag-aralan ito ng mga tao, iniisip na lang nila na masasama lahat ng gumagamit ng droga at dapat lang patayin sila. Pero yun nga ang ginawa ng nakaraang administrasyon at may nangyari ba?
Sabi niya 3-6 months lang masusugpo niya na ang drug trade sa pinas (at iba pang mga kriminal) pero nangyari ba? From 3-6 months, naging buong term ang kailangan niya, nung patapos na ang termino niya sinabi niya naman na kulang ang 6 years.
Ang punto ko lang ay madaling napaniwala ang mga tao na mawawala ang krimen sa pinas kung papatayin lang ang mga gumagawa ng krimen (tulad ng mga gumagamit ng drugs). Imbes na alamin ang mga paraan kung pano talaga mapabuti ang bansa, naniniwala ang mga botante sa isang simplistic solution patungkol sa mga komplikadong problema sa pinas. Mahirap ang pagbabago, hindi ito basta basta nagagawa ng political will lang, kailangan ng maayos na sistema bago ito maipatupad.
Kailangan natin maturuan ang mga tao na ibase ang kanilang supporta sa sistema na gustong ipatupad ng mga kandidato at hindi basta basta sa mga resultang pinapangako nila.