Daming factors kung bakit. The marketing strat has a lot to improve bilang hindi natuto yung Liberal campaigners nung 2019 elections.
Hindi talaga effective ang mang-villanize ng kalaban dito sa Pilipinas. Mas effective siya kapag sa ibang mga channels galing rather than candidate themselves.
Say may mga bloggers na under payroll nung mga kandidato yung naninira ng ibang kandidato. Mas effective yun kaysa kapag nanggaling kay Leni (or any other candidate) mismo yung "first of all, sinungaling..." rhetoric. Toxic ang nagiging dating nun sa mga Pilipino unless nasa image na talaga yun nung tao na yun like Digong Duterte, Toni Fowler, or Rendon Labrador. Taliwas yun sa nanay image that the campaign wanted Leni to be.
Maganda rin yung naging takbo ng kandidatura ni BBM na unity. Kumbaga e ito yung naging personification nung "love love love" ni Kris Aquino. Hahaha. Mga supporters niya yung gumagalaw para sa kanya, yung mga nagtatanggol sa kanya. Tapos siya, parang si Mark, tahimik lang. Nakatulong din yung hindi niya pag-attend ng televised debates. Logical siya in a way na siya na kasi yung number one candidate so bakit pa siya magsh-share ng airtime sa iba. Edi sumikat pa sila, 'di ba?