Binili ko itong laptop ko nung December 2021 at after ng 1year ay parang ok pa rin ang battery nito sa ngayon.. Ito yung isa sa mga bagong China Brands na laptop na mabibili noon... Phased out na yata itong model na nabili ko eh... Akala ko nga e within the year ay masisira na ang battery nito kasi power user ako... Pag walang pasok e aabot ako ng 8hrs or more sa harap ng laptop o naka on ito kasi music player ko din ito....
Ginagamit ko lang ito normally... Meaning, pag feel ko kelangan ko icharge, china-charge ko ito... Pero sa aking case, minsan lang ako nagchacharge na full o 100%... Kadalasan, pag 80-90% na nagdidisconnect na ako sa charger... Tapos magchacharge lang ako pag below 40-50% capacity nalang ang battery ko... Yan ang ginagawa ko... Avoid mo talaga mag overcharge... Tapos avoid mo din na uminit ang lappy mo... Mag elect.fan o mag laptop cooler ka...
Additional tips siguro, yung naka balanced power mode lang ako, 30-40% lang ang brightness ng screen, wag masyado mag attach ng usb devices pag di naman kelangan... Yan lang siguro...
Sana makatulong..