K
0
- Joined
- Aug 25, 2022
- Messages
- 221
- Reaction score
- 10
- Points
- 18
- Age
- 23
- Location
- quezon city
- grants
- ₲758
2 years of service
ok lang basta ma implement nil ng maayosAng no contact apprehension policy o NCAP ay isang pamamaraan ng ilang mga siyudad para hulihin ang mga motoristang lumalabag sa batas trapiko. Sa pamamagitan ng NCAP, hindi na kailangang pisikal na hulihin ng mga traffic enforcers ang mga motoristang may traffic violations. Sa halip, ginagamit ng NCAP ang security cameras para marecord ang violations ng mga motorista at makuha ang plate numbers nila. Pag nakita sa security camera na may violation, magpapadala ng sulat ang siyudad kung saan nangyari ang violation para ipaalam sa motorista na may naganap na paglabag sa batas trapiko. Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa NCAP basahin ang FAQs ng Siyudad ng Maynila tungkol sa NCAP: .
Ang problema ay hindi pa raw ngayon maayos ang sistema ng NCAP. Maraming reports na kumakalat ngayon na inaabuso daw ng ilang mga siyudad ang implementasyon ng NCAP. Ang sabi ng ibang motorista, nakakatanggap daw sila ng sulat na mayroon daw silang nagawang violation ngunit hindi naman pala ito totoo. Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga problema sa implementasyon ng NCAP, maaring basahin itong article ng Visor: .
Para sa inyo, dapat bang panatiliin ang NCAP, isuspende ito, o tuluyan nang tanggalin ito sa mga siyudad na gumagawa ng polisiyang ito?
Nasa baba ang ilang mga pros and cons patunggkol sa NCAP.
Pros:
1. Iwas COVID dahil hindi na kailangan hulihin ng enforcer ang mga lumalabag sa batas.
2. Iwas palakasan. Dahil walang enforcer na humuhuli sa mga motorista, hindi rin pwedeng sindakin o kumbinsihin ang mga traffic enforcers na ibale wala na lang ang traffic violation.
Cons:
1. Naabuso ang NCAP (maraming nagkakaroon ng violations kahit wala naman talaga silang nagawang mali)
2. Hindi maayos ang grievance system (Mahirap iconstest yung violation dahil walang online na sistema para maconstest ang mga violations. Kailangan pang gumastos para pumunta sa siyudad na nagissue ng ticket para iconstest ito).