Normal lang ang inflation at nagspike siya post COVID gawa nang ginastos na muli ng mga konsumer ang naipon nila at dahil dun nagsisitaasan na ang presyo ng lahat dahil sa demand. Pero kung tutuusin hindi rin naman nagbago ang suweldo ng tao, pati nga yung official na minimum wage mandatory lang yan sa ibang mga kumpanya. Hindi rin tayo masyadong competitive kumpara mo sa ibang bansa tulad ng vietnam at indonesia kaya hindi tayo tuloy nakakaatract ng mga kumpanya na willing mag invest dito. Samahan mo na ang brain drain. Di kasi tayo competitive. Ang mas malala sarili pang kababayan pa natin ang dinadamay kesa makipag sabayan sa ibang bansa (crab mentality)