Sa tingin ko, kahit papaano ay swerte ka at hindi ka directly shunned sa belief mo. Personally, kahit di ako naniniwala, ginagawa ko parin yung pagdadasal, but more of a "ritual na. Magdadasal bago kumain para magpasalamat na may pagkain (kahit hindi sa diyos, kahit sa mga kasama ko lang). Magdadasal sa simbahan na sana maayos ko yung sarili ko. Magdadasal bago matulog para magpasalamat at buhay parin ako. Hindi naman ibigsabihin na di ka na naniniwala sa ginagawa nila ay di mo pwedeng i-fit yun sa sarili mo, unless AYAW mo talaga sundin yung rituals nila. Kung ayaw mo talaga gawin, no luck, kailangan mo sundan yung awkward phase na yan hanggang either masanay sila or mapunta ka sa ibang lugar na hindi puro religious yung tao. Regardless, nakatulong sakin na tignan yung ginagawa nila as rituals yun kesa sa "holy" act, kasi mas nag-fifit siya sa narrative ko, without being bothered by anyone.