Napagusapan namin ito nung kaibigan kong nagtuturo sa isang city university sa kanilang lugar. Pareho kaming galing Big 4.
Hindi daw niya nakikita para sa mga bata yung same opportunities na nakamit namin noong fresh grad kami. Kahit gaano daw kagaling at kabibo yung mga batang tinuturuan niya.
Yung tipong lumalapit yung trabaho sa amin, yung priority kami ng multinational companies na may mga matataas ng entry level salaries. Mga magagandang internships from prestigious companies na 25K+ ang sahod kada buwan. Yes, internship pa lang yun.