Yan din ang sinabi ng kakalase ko na tomboy, kalokohan daw ang multo baka sampalin pa daw nya sa harapan namin.
Hanggang sa isang gabi, 6pm nasa gym kami ng school meron syang dalang baso at ouija board tatawagin daw nya mga multo tapos sasampalin sa harapan namin.
Nagdasal ng 5 our father 5 hail mary pero walang Amen sa dulo
Umandar na ang baso, nagtanong sya ng madaming tanong, bandang huli sinabi nya sa spirito na "magpakita ka at sasampalin kita sa harapan ng mga tao"
Nabasag ang baso at lahat ng bumbilya sa gym. Nagtakbuhan kaming lahat, ang naiwan lang si tomboy, ang narinig lang namin sigaw nya "putang ina multo ka magpakita ka dali sasampalin kita"
30mins na nakalipas hindi paden bumababa si tomboy. Nagpatulong kami sa guard na icheck si tomboy. Bumaba ang guard buhat buhat si tomboy, madaming sugat sa leeg at hindi makapag salita.
Habang nakaupo sya sa may guard house pinapainum namin ng tubig, biglang nagiba ng boses, sinaniban na pala, grabe ang lakas.
Dahil dyan sa experience ko na yan. Naniniwala ako sa multo