Kung titignan natin kung saan nagmula ang cancel culture, maganda naman at effective yung pinagmulan nung concept which is yung pagkakaroon ng social repercussions sa mga morally reprehensible actions na nakikita natin. pag minsan kasi kung ordinaryong tao ka lang tas kalaban mo CEO ng kumpanya or basta mas maraming resources sayo mahirap kumuha ng hustisya thru legal processes. so nung nagkakaroon ng voice yung mga voiceless through social media, dun na nagsimula yung cancel culture katulad ng #MeToo movement. Nagiging problema lang ang cancel culture kapag yun agad yung first option natin tuwing may issue na kumakalat online. Dapat mas reasonable yung heuristic natin sa pag pili ng kung sino ba dapat ang kinacancel.Ano ang opinyon nyo about this topic? May nangyayari bang ganito sa Pilipinas? Is this a western thing, this cancel cuture o meron din nito sa ibang mga bansa't kultura na hindi western? Dapat ba tayong matakot dahil dito?
Para sa akin itong dalawang bagay na ito ang Social media, na may tendency na pagsamahin all "like-minded" people into one room or page, at ang Cancel culture, ay para sa akin napaka-makapangyarihang bagay na pwede gamitin para mang-intimidate ng isang tao o grupo na ayaw ng mga nang-ka-cancel, kahit walang katotohanan ang mga paratang, may mob rule sa Cancel cuture that ensures na hindi makakabangon sa pagkakadapa ang subject na kina-cancel.
Tingin niyo?
Sources of reading: