Para sa akin:
#1: Invest in technology and production industries. Advanced dito ang china, japan, india, s. korea at taiwan kaya malakas yung economy nila. Kailangan magkaron yung pinas ng mga local companies na gumagawa ng software and nag mamanufacture ng hardware kasi yun talaga ang sagot sa global market. Mahina yung hatak ng tourism o natural resources export at hindi talaga uunlad kung dun tayo aasa. Dagdag ko lang din: sa lahat ng bansa na nabanggit ko, tayo pinakamalakas mag english at magaling makisama. Tanggalin lang natin yung inferiority complex ng pinoy, matatalbog natin lahat yan sa asia
#2: dapat 100% fully digitized ang gobyerno. ang dahilan bat maraming corruption ay kasi mahirap matrace yung mga anomalies ng mga politicians. Kung lahat nasa isang central database, mas madali mahuli yung mga corrupt. Dagdag pa doon: mas convenient para sa mga tao kasi mapapadali yung mga proseso nila sa mga government forms tsaka applications.
#3: nation-wide urbanization. eto magiging challenging kasi infrastructure na yung usapan. Pero para sakin, kailangan mag invest sa mga coastal cities at cities na malapit sa fresh water. Mahalaga kasi na ma-decongest ang NCR para lumakas yung house market sa ibang lugar sa pinas.
dagdagan ko na ng #4 at #5:
#4: gawing regional ang senado. kung ang purpose ng senado ay maging representative ng bansa at taga pasa o bagsak ng bills, e dapat may representative yung buong pilipinas. Ngayon kasi puro artista, kamag anak ng dating politiko, kriminal, religious leader ang mga senador natin na hindi nila talaga nirerepresenta yung pilipinas. Lalo na sa eleksyon. Requirement sa senatorial election na mag lista ng 12 senators. Actually sobrang hirap non para sa mga kababayan natin. at most mga lima lang siguro yung gustong senador ng mga tao so ang gagawin nalang nila pupunuin nila yung 12 ng mga kung sino nalang yung kilala nila. E yung #1 vote mo at yung #12 pareho lang na 1 vote. So madali makapasok yung mga sikat kesa sa mga baguhan.
#5: eto problema lang alam ko dito pero di ko alam ang solusyon: kailangan talaga mahiwalay ang pinas sa simbahan. kailangan magkaron ng divorce, abortion, same sex marriage, sex education para malabanan yung kahirapan. siguro ang dapat gawin dito ay alisin yung pondo para sa mga churches. Tapos dagdagan yung tax sa mga nakukuha sa mga donations.
Yan. Tingin ko pag nagawa yung 5 na yan lalakas ekonomiya ng pilipinas.