Habang wala rin akong paniniwala sa kahit anong uri ng relihiyon at diyos, hindi rin naman masamang magkaroon pa rin ng pananampalataya kung ito'y nakadudulot naman ng kabutihan sa iyong pang-araw-araw na buhay. Ang hindi ko lang matatanggap ay ang paggamit ng ideolohiya ng relihiyon para sa sariling kapakanan kagaya ng ibang pulitiko na kumukuha ng tagapagtaguyod mula sa simbahan at ibang katulad na kapulungan para lamang makalakap ng boto sa mga kasapi ng pananampalatayang iyon. At mas lalong nakasusuklam ang gumagamit ng relihiyon para alipustahin ang ibang grupo ng mga taong hindi kapareho ng paniniwala.
Bakit pala hindi itama ang pamagat ng bahaging ito ng forum? Regilion?