P
0
Minsan di ko alam kung maniniwala ba ko sa mga ganto o hindi ehHello everyone! Share ko lang experience ko pero hindi ako ung nasaniban nasaksihan ko lang ng buo ung nangyari.
Nag aaral ako ng Caregiver part nu ay OJT, na destino kami ng grupo ko sa isang Nursing home sa Manila.
Double deck pala ung higaan namin 2 kaming lalake, 4 ung babae, so gabi around 8pm nasa taas ako ng higaan baba ung ksama kong girl na si Nena (Di tunay na pangalan). Umiikyak sya sabi ko sa kasamahan ko gisingin nyo baka nababangungut, so ginigising nila, lalo pang umiyak, bumaba ako sa higaan ko at sinampal ko si Nena, humagulgul sya akala ko masyadong napalakas ung sampla ko, tapos bigla nyang sinabi "Pinatay nila ako" lahat kami nagulat at kinilabutan, habang paulit ulit na sinasabi yun tuloy ang hagulgul nya. Hinawakan ko ng mahigpit si Nena pero nasa likod ako payakap style pero nagpupumiglas sya at sinasabing "Pinabayaan nila ako, Pinatay nila ako" patuloy pa rin ung pag gising namin sa kanya ung iba may nag hagis ng bigas ung iba natataranta na. Tapos may sinabi syang name sya daw si "Jobert", sobrang kinilabutan kami tinawag namin landlady at nagdasal sya tapos kumalma na lahat.
Itong si Nena tinanong namin kung alam ba nya nangyari, sagot nya hindi daw, tapos nagulat kami may isang pares ng tsinelas sa bag nya. Sbi namin kanino yan sagot nya "di ko alam, di ko nga alam bat andyan yan eh". Yung pares pala ng tsinelas na yun ay kay Jobert.
Si Nena may history daw family nila sa Sanib, talagang sinasabinan daw sila. Dati di ako naniniwala kasi motto ko is "To see is to believe" so ayun nga naniniwala na ako sa sanib.