For starters may mga stores sa SM cyberzone na nag-ooffer ng bundles, maganda dun magstart kasi di mo na iisipin yung compatibility since ready to build na siya. Cross check ka na lang din prices nung parts sa ibang stores. May na-encounter ako sa SM san lazaro nung nagtitingin ako, sabi makakatipid ka sa bundle pero upon checking the total price nung parts + case makakamura ka pa ng 1k-3k. Yung difference na yun malaki na for some, lalo na pambili na rin yun entry level na gaming gear.