Sa experience ko, makaka-move on ka lang kapag inamin mo sa sarili mo na hindi kayo mag-wowork. Na may mga nangyari na na hindi dapat nangyari sa loob ng relasyon, kung kaya kailangan nang iwan roon. Hindi ko alam bakit nag-break na kayo, pero i-acknowledge mo muna ng maayos yung nangyari. Kapag dumadating sa isip mo yung "paano kapag ganto?" o "mas masaya ata ako nung kami," tandaan mo na hindi mo na mababalikan yung nakaraan. Hard pill to swallow, pero kailangan mong alamin yun. Pag in-denial ka lang, stuck ka lang doon, at wala kang madadating. At tiyaka, kung gusto mo lang siya dahil sa specific na meron siya kesa sa buong pagkatao niya, hindi talaga mag-wowork ang relationship. Pag minahal mo talaga siya, marunong ka dapat mag-let go, para sayo at sakanya.
For the meantime, atupagin mo sarili mo. It helps na may iba kang ginagawa, lalo na yung mga bagay na di mo nagagawa noong may kasama kang iba. Ayusin ang sleep schedule, matuto tumugtog ng gitara, mag-aral ng mabuti o kaya magtrabaho hanggang ma-promote sa work. Mag-lapag ka ng goals para sa sarili mo, parehas short at long term. Pag natuto ka kasing alagaan yung sarili mo, tataas yung value mo sa'yo at sa ibang tao. Mas ma-aappreciate mo kung ano yung dapat at malalaman ang kailangan iwasan. Syempre, mag-self reflect ka rin sa mga nangyari, pero huwag mong isipin na di ka mabubuhay kung hindi mo siya kasama. Trust me, ayan din naisip ko noon, pero buhay parin ako
. Ayun lang, sana makatulong kahit papaano!