K
0
Hindi maganda membrane keyboard ultimo sa typing experience, mushy ang feeling. Bukod doon kapag nasira isang letter sa membrane, sira na buong keyboard at papalitan mo na. Sa mechanical keyboard bawat isang letter may mechanical keys parang sa mouse, kaya sinasabi ng iba na maganda tunog kasi may pinipindot ka talaga at hindi rubber gaya ng membrane keyboards. Iba iba rin key switches na meron sa mechanical keyboard. So mas matibay at mas matagal masira mechanical at mas maganda performance sa membrane keyboard. Pati kung gamer ka at naglalaro ng games, mas maganda mechanical kasi input ng data sa pc accurate kumpara sa membrane. Kasi mas maganda registry ng bawat pindot mo. Gaya kung maglalaro ka ng cs go or valorant na nag cocounter strafe ka, so pipindutin mo ay a at d paulit ulit, sa mechanical accurate input niyan, ad, ad ad ad. Kapag sa membrane, pag ad ng paulit ulit at mabilis, di na mareregister yung d sabay mang yayari sa input mo ay aadad. Ganyan, kasi minsan di nasasagad pagpindot mo sa membrane, which is kailangan kasi kailangan mag contact yung rubber sa pcb. Sa mechanical hindi mo kailangan ihard press, gaya ng mouse na mapindot mo yung button register na.Trip lang nila. Madaming dahilan. Yung iba feeling pro sa games pag nakamechanical. Iba gusto yung ilaw. Iba naman eh, gusto yung tunog. Masarap yung tunog paminsan minsan.
Pero kung performance over cost, mid-range na keyboard from Logitech or A4 Tech should be good enough. Pero kung endurance over cost (ikaw yung tipong hinahampas ang keyboard pag natalo sa game), mechanical na high-end. Yung mga low-end... Hmm. Ayos naman. Di lang kaganda porma.