Well, tama ka sa nabasa mong title. Ang post na ito ay isang rant tungkol sa pricing ng local PC shops.
Hindi ko alam pero matagal ko nang problema ang PC shops sa Pilipinas. Hindi ko alam kung ako lang ba pero may part sa akin na nagsasabing overpriced ang services nila. For instance, may isa akong friend na lumapit sa akin, a few months ago, asking if pwede raw ba akong bumuo ng PC niya. First PC niya at hindi niya talaga sure kung ano gagawin kaya kailangan niya ng gagawa. Eh nagkataong marunong ako saka alam ko rin saan pwedeng isource ang components, kaya sabi kong "YES".
Fast-forward, nagkaroon ng problema sa funding; Nagbigay na ako ng estimates ko. 35k ang budget and sinagad ko 'yon. Lahat ng parts ay branded. Nakakalungkot lang pero sa di malamang dahilan ay napagpasyahan niyang bumili na lang ng ready-made PC. Nakakaburyong nang kaunti pero hindi ko naman siya masisisi dahil unang PC niya naman talaga. Okay na sana pero tinanong ko siya kung anong binili niya at jesus christ, 33k ang presyo nung binili niya, wala pa sa kalingkingan ng mga piniling parts ko ang binigay. Pina-re-estimate niya lahat-lahat at lumalabas na nasa around 23k-25k lang ang tunay na presyo nung build.
Nakakapanggalaiti. Alam kong hindi lang ito nangyayari rito sa amin kundi pati na rin sa ibang lugar. Para bang may trend na ang mga assembly shops na pataasin yung presyo kasi alam nilang maraming nauutong newbies sa PC building. Ewan ko ba. Hindi ba't nakakainis?