How I Maintain My PC: A Noobs Guide for Fellow Noobs
By PadrePio
(written exlusively for Symbianize)
I am a software junkie. I like trying out new applications even if I don’t really need them. The problem is, I’m still a noob when it comes to computers. Halimbawa, noong Sabado ko lang nalaman na ang ibig sabihin pala ng mobo ay motherboard. Now being a software junkie and a noob at the same time is dangerous for your PC’s health. And I learned it the hard way. My PC got infected with worms, trojans, malwares and viruses. (Bacteria lang ata ang hindi nakapasok.) Naging asthmatic din ito. Ultimo pagbukas lang ng Notepad ay hingal na hingal na at ang bagal. Hanggang sa tuluyang magka heart attack na nga ito---nag crash ang Operating System (OS) ko.
Dahil sa eksperyensiya kong iyon, ay nagsimula akong magbasa-basa dito sa Symbianize. At sa aking pagsasaliksik ay marami akong natutunan. Sa awa ng juice ay naka-recover at naging healthy ulit ang PC ko. Naging masigla na ito at nawala rin ang asthma kaya’t nakakatakbo na ito ng mabilis ng hindi hinihingal. At higit sa lahat ay maayos na ang lagay ng puso nito; malayo nang ma-stroke ulit.
Ito po ngayon ang gusto kong ibahagi sa mga katulad kong noobs--- kung paano ibalik sa dating sigla ang namumutla at nananamlay nating mga computer. Gusto ko i-share sa inyo ang tamang pagmentena ng ating mga PC upang maiwasan ang mga impeksiyon na nagdudulot ng pagbagal at pagbagsak ng performance nito. Bilang konting paalala, lahat po ng mga nandito ay base lamang sa aking sariling experience at pagsasaliksik. Pero makaasa kayo, fellow noobs, na proven safe po ang lahat ng guide na nandito. I highly recommend that you follow all of them.
Computer wiz ka ba? Pro? Genius? Kung oo, huwag na pong tumuloy sa pagbabasa at mababagot ka lang. Alam mo na lahat ito.
Noob ka ba tulad ko?
Hindi kumpleto ang kaalaman?
O konti lang ang alam?
O talagang walang alam?
Huwag mag-alala, huwag mahiya, may karamay ka.
Kaibigan, tara! Basa tayo.