H
0
Okay wag na tayo mag pa hospital hahahaKonting intro muna. Way back 2019 ata yun. Nag OJT ako bilang IT staff sa isang hospital dito sa San Pedro, Laguna. Sa mga taga san pedro diyan, halata niyo siguro kung san to hahaha. Medyo malaking hospital siya pero yung building kung nasaan ang IT dept is maliit lang since hiwalay ang in-patient at out-patient. Top floor ang IT dept at maliit lang yung room. Tatlong pc, server at cr lang. Tabi ng room namin yung Chapel. Pag kaya ko, monday to sunday ako nagduduty since late na ko nagstart ng ojt at kailangan ko humabol ng number of hours.
Nagduty ako ng sunday nun. Isa lang kasama ko sa IT dept. Usually tagabigay lang ng wifi password at konting hardware repair lang ang trabaho ko dun. Medyo hapon na yun kaya wala masyadong gawa at tawag. Yung kasama ko nagikot ikot sa cashier at accounting para magcheck kung may mga problema pa bago umalis. Nagpatay na din ako ng mga aircon, printers, at pc ko. Then may narinig akong iyak. Malakas siyang iyak. Di ako masyadong natakot nun kasi madalas na kami nakakarinig since malapit na malapit lang ang chapel. Lumabas ako para icheck kasi nacurious ako at paalis na din naman. Walang tao sa chapel. Nagulat ako kasi sure ako may maaabutan ako dun kung sakali. Napamura nalang ako tapos pumasok ulit sa room para kunin ang gamit. Tapos tumambay nalang ako sa bandang nurse station para may ibang tao akong makita tapos inintay ko nalang yung kasama ko. Di ako matatakutin pero nung time na yun, di ko talaga alam gagawin ko. Yun lang. Alam ko medyo hindi masyadong nakakatakot pag kwento lang. Pero wag sana maranasan ng iba hahaha.