J
0
Daming mapupulot dito ah
Nice forteenLuis: Nakakita ka na ba ng elepanteng nagtatago sa highway?
Sam: Hindi pa. Ikaw, nakakita ka na?
Luis: Tanga! Makikita mo ba ‘yun eh nagtatago nga?!
*********
Titser: Ano ang hugis ng mundo?
Juan: Kuwadrado po, ma’am!
Titser: Hindi! Ang mundo ay bilog.
Juan: Pero ma’am, sabi ng lolo ko, narating na niya ang APAT na sulok ng mundo. May sulok po ba ang bilog?
*********
Jun-jun: Inay! Ako lang ang nakasagot sa tanong ng titser namin kanina!
Inay: Very good! Ano ba ang tanong ng titser ninyo?
Jun-jun: ‘Sino ang walang assignment?’
**********
Si Superman, Man Of Steel, ‘di ba?
Hindi tinatablan ng bala at kutsilyo… Bumabaluktot ang karayom sa kanya.
Eto ang tanong…
Tuli na kaya siya? Paano siya tutuliin?
**********
Sumulat si Malaki sa kanyang tatay:
"Dear Tatay… Padalhan mo kami ng isang kilong bigas at isang dosenang itlog. Ang iyong anak, Malaki"
Lumabas si Malaki at pumasok si Maliit. Napunit ni Maliit ang sulat.
Idinikit ni Maliit sa pamamagitan ng tape.
Inutusan ni Malaki si Maliit na ipadala ang sulat.
Pagbasa ng kanilang tatay:
"Dear bigas… Padalhan mo kami ng isang kilong Tatay at isang dosenang anak. Ang iyong itlog, Malaki"