V
0
Solid neto ah hahah
Kriminal
KRIMINAL1: "Pare, sigurado ka bang dito dadaan yung papatayin natin?"
KRIM INAL2: "Oo, nagtataka nga ako, 1 oras na tayo dito wala pa rin siya! Sana naman walang nangyaring masama sa kanya...
Si Gino
LOLO: Gino paabot nga ng kape ko.
APO: Lo, Gina po.
LOLO: Gino paabot nga ng kutchara.
APO: Lo, Gina po.
LOLO: Punyeta ka Gino! Tigil-tigilan mo yang kabaklaan mo!
Tutpik
Customer: Ano ba naman itong tutpik nyo, iisa na nga lang ang dali pang mabali.
Waiter (inis): Alam nyo sir, ang dami ng gumamit nyan,pero kayo lang nakabali!
Confident Vs. Confidential
Anak: Itay, ano kaibahan ng confident sa confidential?
Itay: Anak kita, CONFIDENT ako dyan. Yung bespren mong si Tikboy, anak
ko rin, CONFIDENTIAL yan.