P
0
Ayun. biglang nawalan na tuloy ako ng gana magselfie parang anytime may magaganap HAHAM-Ms. Cruz? Saan ka pupunta?
Hindi na siya narinig pa ng dalaga. Nakalabas na ito ng silid-aralan at tumakbo sa mahabang pasilyo ng kanilang building. Oras ng klase kayat walang estudyanteng nasa labas.
“Cellphone. Kailangan kong makahanap ng cellphone,” sabi ni Anabel sa sarili.
Sa tapat ng kanilang building ay mayroong isang malaking quadrangle kung saan isinasagawa ang flag ceremony tuwing umaga araw-araw. May ilang mga estudyanteng naglalakad-lakad, marahil ay bakante sila sa oras na iyon.
“E-Excuse me. Pwede bang makahiram ng cellphone?” tanong ni Anabel sa isang batang estudyante. Ngunit kumaripas lamang ng takbo ang lalaki matapos makita ang kabaliwan sa mata ng dalaga.
“Please, parang awa niyo na. Kailangan ko lang magselfie.”
Pinagtitinginan lamang siya ng mga tao, nagtatataka kung bakit nagsisigaw ang babae.
Selfie tayo!
Sa gilid ng Main Building ng kanilang school ay may ilang estudyanteng nakatambay at nagtetext. Nang makita ito, mabilis na tumakbo si Anabel patungo sa mga estudyante. Simbilis ng kidlat ay hinablot niya ang hawak na cellphone ng isa.
“H-Hoy! Cellphone ko!”
Hindi na lumingon pa si Anabel. Tumakbo na lamang siya ng tumakbo, nais na makalayo sa mga tao upang makapag-selfie. Hindi niya napansin na nakalabas na pala siya ng gate ng kanilang eskuwelahan.
Hingal na tumigil ang dalaga. Gulu-gulo na ang kanyang buhok at marungis na ang kanyang magandang mukha dahil sa luha at sipon. Agad niyang tiningnan ang kinuhang cellphone. Lumang modelo na ito ngunit may camera naman. Pinindot niya ang camera icon ng camera.
“Maawa ka, tigilan mo na ako.”
Pinindot niya ang buton para kumuha ng litrato.
(This is an original work by COPRO14 :troll:. For more stories from this author, please visit LUCIDIRE.COM)
Walang nangyari.
Muli niya itong pinindot.
Ngunit wala pa ring nangyari.
Nanginginig ang mga kamay na nilapit niya ang cellphone sa kanyang mukha.
Low power. Shutting down…
“H-Hindi. Hindi!”
Sabi ng selfie tayo, eh!
Isang malamig na braso ang yumakap sa leeg niya mula sa likuran. Nangingitim na ito, nabubulok na.
Hindi makakilos si Anabel. Para bang nawalan ng lakas ang kanyang buong katawan.
Isang kamay ang lumabas mula sa kanyang likuran. May hawak-hawak itong cellphone. Isang cellphone sira-sira at may mga crack na. Itinutok ng kamay ang cellphone sa kanyang mukha. Sa LCD screen ng cellphone ay nakita ni Anabel ang kanyang walang kulay na mukha. Nakita rin niya ang mukha ng babaeng nasa likod niya, ang babaeng nakayakap sa kanya. Nakangiti ito sa kanya, ang mga ngipin ay nangingitim at nabubulok na.
Selfie tayo!
Click!
Ito ang huling narinig ni Anabel bago siya binawian ng buhay. Hindi niya napansin na tumigil pala siya sa gitna ng isang malawak at abalang highway. Hindi niya narinig ang mga busina ng mga sasakyang dumadaan. Hindi niya nakita ang sigaw ng mga taong tumatawag sa kanya.
At hindi niya naramdaman ang pagtama ng isang pampasaherong bus sa kanyang maliit na katawan.