Simulation theory. Medyo may sense. bale ang summary: kung ang technology exponential ang development, walang duda na dadating yung panahon na kaya natin gumawa ng mga simulation kung saan yung mga characters ay fully conscious. Pero dahil ang consciousness ng tao ay hindi indicative ng realidad (example: conscious ka din sa panaginip mo. So pano mo nalalaman na ito yung totoong mundo at hindi yung panaginip mo?) posible na tayo ngayon ay nasa isang simulation. kunwari yung laro na The Sims ay isang buong realidad kung saan bawat character ay conscious. Ibig sabihin, isa lang yung magiging tunay na realidad vs. kung ilang kopya ng the sims ang meron. Ibig sabihin, mathematically, mas malaki yung posibilidad na nasa simulation tayo kesa nasa tunay na realidad.