aeiouburberry said:Sa lahat ng napanood kong US TV series, iilan lang ang masasabi kong talaga namang tumatak sa akin. Nabago yung pananaw ko sa buhay, ugali, at sa kung paano ako makisalamuha sa tao. Syempre, nandyan ang maalamat na paborito ng lahat -- CSI. Heroes, na talaga namang babaguhin ang konsepto mo ng realidad at kung ano palang posible sa mundo. Lie To Me, na tuturuan ka kung paano malaman ang kasinungalingan sa paligid. Syempre, House, na ipapakita sayo ang isang side ng buhay na pwedeng hindi mo pa naiimagine.
Isang show na talagang nagustuhan ko (at nang maraming kilala ko) ay Breaking Bad.
Quick synopsis : Si Walter White ay isang chemistry teacher na merong lung cancer. Sa takot na mamatay at iwan ang pamilya niyang walang pera, pumasok siya sa mundo ng pagbebenta ng droga kung saan naranasan niya ang ibat-ibang klase nang adventure. Masaya, malungkot, nakakatawa, nakakagalit, at marami pa.
Sana maging magandang discussion thread ito ng mga kapwa ko Breaking Bad fans. Simulan natin.
_______________________________
My favorite character is Gustavo Fring. Ang ganda nung character niya. Very Machiavellian ang approach niya sa lahat ng bagay and hes like the silent but deadly type of drug lord. You wont even know what hit you kapag siya ang kalaban mo.
You? Whos your favorite character?
- Aeiou
ito talaga gusto kong panooring series eh. . . kaso medyo busy :/ maganda daw istorya nito....