Yung original and Odyssey na lang ang hindi ko nalalaro sa main games. After playing through them...masasabi ko na lahat sila may pro's and con's haha. Ito na lang siguro:
Best parkour: Assassin's Creed Unity. Para sa akin ito yung peak ng parkour ng series dahil sa terrain and layout, tsaka may advanced moves na pwedeng gawin. Yun nga lang, may difficulty curve yung pag-aaral ng parkour (and not to mention yung combat system)
Best combat: Assassin's Creed 3. Dito mo talaga mafe-feel ang pagiging one-man army as an assassin. Brutal yung animations ni Connor especially yung multi-kills hahaha. Sadly hindi ako fan ng RPG-era games. Naging mga damage sponge ang mga kalaban eh.
Best story: Ezio Trilogy, hands down. "Unfair" siguro for the others in the series dahil si Ezio lang yung may full character arc, from birth to death. Close second siguro ay Black Flag dahil relatable si Edward (riches and fame, who wouldn't want that? Right??). Pero ang ganda ng progression niya throughout the game.
There we have it haha. Pero just because di ko ininclude ang iba ay meaning hindi na sila worth playing. Naenjoy ko naman silang lahat and plan ko pa ring laruin yung original and Odyssey soon.
Thanks for reading my mini essay
