Welcome to Mobilarian Forum - Official Symbianize.

Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?
macaron619
Reaction score
1,874
Reputation
220

Profile posts Postings Referrals Reputation About Inventory

  • Whoever you choose I will always be here for you and I will not stop praying for you even if someone own you already.



    by: destiny
    4mber
    4mber
    Well_Said_2.gif
    N
    nier120
    awesome bro.
    21 Thoughts/Realizations After Watching 'Rewind' movie starring Dingdong Dantes and Marian Rivera:

    1. Kapag mahirap nang intindihin ang pag-ibig, doon mo pinaka-kailangang manatili. Hindi tayo nauubusan ng mga dahilan at paraan para mahalin ‘yong taong napakahirap mahalin.

    2. Mabigat buhatin ang mga oras na masasaya dahil ‘yon din ang oras ng mga panghihinayang.

    3. Isinasangla natin ang ating sarili para lang mapasaya ang mga taong mahal natin dahil ganoon ang pag-ibig. Tinutubos tayo ng kung anumang makapagpapaligaya sa kanila.

    4. Totoo ‘yong sinasabi ng iba na ang asawa ay hindi lang dapat 'asawa'. Ang asawa mo ay dapat bestfriend mo rin. Hindi siya kalaban, kundi kakampi.

    5. Mahirap ibigay ang pagpapatawad sa iba kung hindi pa natin kayang ibigay ito mismo sa ating sarili.

    6. Hindi lahat ng "mahal na mahal" ay tama at sapat. Baka imbes na pagmamahal ang maibigay mo ay pagsisisi at galit ang maging kapalit nito.

    7. Walang kasiguraduhan ang mga bagay sa mundo, kaya’t mahalin mo ang bawat araw na parang oras-oras gumuguho ang mundo.

    8. Ilang 'sorry' ba ang sasapat para maging maayos ang lahat? Wala. Hindi kayang bawiin ng anuman ang lahat ng nawala.

    9. Araw-araw tayong nagluluksa dahil araw-araw din tayong nagmamahal nang sobra.

    10. Malalaman lang nating natuto na tayo kapag natanggap na nating nagkamali tayo.

    11. Walang permanenteng ligaya. Laging may magkakamali. Laging may magkukulang. Laging may hindi sapat. Laging may bibitiw. Laging may mang-iiwan. Dahil kung wala ang mga ito, hindi tayo makakausad. Hindi natin malalaman ang totoong halaga ng buhay.

    12. Gaano kabigat buhatin ang pagkakamaling nauwi sa panibagong pagkakamali?

    13. Ang mga taong umiintindi ay dapat naiintindihan din.

    14. Noong isinayaw na ni John si Mary for the last time habang pinatugtog ang kantang 'Sa Susunod na Habang Buhay' ng Ben&Ben ay biglang nag-flashback lahat ng sakit. Na para bang nandoon ako sa sinehan at humihiling na sana puwedeng tumigil ang oras para hindi maputol ’yong sayaw na ‘yon. Kung puwede lang sanang balikan ang nakaraan para itama ang lahat ng mali, pero hindi. Sa totoong buhay, hindi puwede.

    15. Palaging mas maganda ang mga plano ni Lods. Hindi mo lang ‘yon nakikita dahil masyado kang naka-focus sa kung ano lang ang gusto mo. Hindi gano’n ang buhay. Hindi ka sasanayin ni Lods sa masasaya lang na walang kabuluhan.

    16. Ang bigat ng mga salitang “sana, ako na lang” at “kung maibabalik ko lang.” Hindi na kayang bawiin ang mga nangyari na. Ang nakaraan ay nakaraan.

    17. Tumatakbo ang oras. Maraming nawawala sa loob ng ilang segundo. Marami ang hindi na maibabalik sa loob ng ilang minuto. Hindi hihintayin ng mundo ang pagbabago mo. Kumilos ka agad. Huwag mong hintaying maging kahapon ang ngayon.

    18. Kaya pala maaga tayong ipinakilala sa isa’t isa dahil maaga rin tayong magwawakas. Pinatikim lang sa atin ang habangbuhay sa maikling panahon para magsilbing aral.

    19. Sina Mary at John ang patunay na ang pag-ibig ay hindi laging patungkol sa kilig. Ang pag-ibig ay isang responsibilidad at habangbuhay na sakripisyo’t pananatili kahit ano pang sakit ang maging sukli sa huli.

    20. Walang rewind ang buhay. Piliin mong magmahal nang tama. Pahalagahan ang lahat ng bagay. Tumatakbo ang oras.

    21. Magaling tayong magmahal, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay marunong tayong magmahal.
    • Like
    • Wow
    Reactions: host, 4mber, JSB-Kun and 1 other person
    4mber
    Q
    qwerty28869
    it is a mediocre movie i feel
    "Isipin man nilang ito'y mali basta't nandito ka sakin tabi"

    ito yung part na nalaman nyo na mahal nyo pala ang isat-isa pero pariho kayong naka commit sa ibang tao.. the right place at the wrong time.
    it's really okay to be sad :( about someone you never really had in the first place, it's totally okay.... (just hold on) i know its painful at first.. but you will recover.. trust me. ;)
    • Like
    Reactions: satoruuu
    SABI NYA: Yung itsura ng Nurse, kukupas yan. Pero yung Nurse na sasamahan ka sa hirap at ginhawa, bihira yan...

    SABI KO NAMAN: nakoooo.. madami yan dito.. kahit malasing kapa at ma pass out... sasamahan ka at dadalhin ka kung saan ka nakatira.. hahahaha..
    at pahabol may choices pa yan hahaha uuwi or papuntang langit.. hahahahaha.. HAHAHAHA.. (saksi ang REDHORSE sa atin dalawa) hahahah...
    That awkward moment when you see someone...
    Who used to be your world..
    Haaayyz.. Ikaw na sana... kaso pinili mo sya...
    TORPE December 19, 2012
    • Haha
    • Wow
    Reactions: Luckysaint, 4mber and Samuel L. Jackson
    Samuel L. Jackson
    Samuel L. Jackson
    senti my idol my mga bagay talga na kht ipilit natn hindi mpapa sa atin kung hindi talga sya nakatakda para sayo.. my iba pang tao na hindi mo lang na bbgyn ng pansin kung nasa tabi tabi mo lang. darating din sayo ang tamang panaho para sa kanya at bbgyn ka ng sign..


    nakz parang totoo na tlaga mga payo ko ahh
    • Love
    Reactions: Luckysaint and macaron619
    4mber
    • Love
    Reactions: macaron619
    Luckysaint
    Luckysaint
    412903027_10110724503436163_2519209014543975768_n.jpg

    oks lang yan broski. malay mo foreigner pala itinadhana sayo ;)
    One of the lessons I had a hard time learning is that you will meet millions of people in your entire lifetime but you will only build a strong connection with a few. You may meet a lot friends at the party but only one or two will be there for you when you’re sober. You may stand in a crowd and feel so alone and sit beside one person and feel so free. In a long list of names, only a handful will get you.
    Only a handful will understand and accept you for who you are. Only a handful will love you with all your imperfections.
    In this world where everyone wants to meet anyone, it’s so easy to get names and phone numbers. But finding people who get you from the soul is unimaginably rare. You have to take care of your people.​
    —Ali
    400435242-868633085048731-3119366960604154879-n.jpg
    • Haha
    • Sad
    Reactions: 4mber and Eric Draven
    PROUD akong SABIHIN sa lahat, na HANGGANG ngayon ay umaasa parin ako Na maging TAYO sa HULI!.. BOOM!.. YAN!..


    by: TORPE 12/18/2012
    • Haha
    • Like
    • Wow
    Reactions: Ameame, 4mber, Luckysaint and 4 others
    Eric Draven
    Eric Draven
    anung mangyayare sa profile post ng katz di naman mababasa nun babae haha
    • Haha
    Reactions: macaron619
    macaron619
    macaron619
    DI.. matagal na yan hahah.. tsaka yung babae na yan nasa TAIWAN na sya.. hahaha dun nag hahanap buhay nah.. pero di ko lam kung married na yun or single pa.. :D basta isang iglap la na akong contact or commication sa kanya.. kaya yon..
    • Haha
    Reactions: Eric Draven
    Eric Draven
    Eric Draven
    naku mahirap yun uso dun ang relasyon na FTO (for taiwan only) haha pagbalik ng pinas single na ulit
    • Haha
    Reactions: Heath Ledger
  • Loading…
  • Loading…
  • Loading…
  • Loading…
  • Loading…
Top Bottom