Freelancer ako so ilan din yung nadaanan kong companies na takte sa daya... Pero dalawa yung matindi.
Yung una is canadians na nag-establish ng office sa ortigas. Mga 2 years din ako dun. Sa umpisa okay, since canadian rate pa rin ako, pero after 6 months... naranasan ko na 2k lang ang sahod ko sa end of month, tapos yung kasunod after 3 days, installment ang sahod. Umabot pa yung time na end of month na ulit hindi pa nabubuo yung previous salary.
Yung pangalawa, work at home naman. Start from 7am-5pm. Kaya lang sobra makapanggulang yung company. Pag-nalate ako ng kahit 10minutes lang, salary deduction. Kapat lunch break ganun din, pag lumagpas ako ng isang oras kahit ilang minuto lang, deduction agad yun. Okay lang sana yun, kaya lang ang problema, ang overtime ko ay OTY. Minsan natatapos ako ng 9pm kasi kailangan na kailangan daw, kesyo ang bagal ko daw kasi magtrabaho.
(naging rant tuloy yung post ko. lol)