Gusto ko maging web developer dahil napakarami talagang opportunity sa industry na to. At tska nag eenjoy ako pag ka nakakasolve ako ng mga exercises.
Fresh graduate hirap na hirap ako makahanap ng tatanggap sakin company.
Ayoko talaga ng programming nung nag aaral pa ko. Ngayon ko lang natutunan mahalin at mag pursige matuto sa mag code. Nag enroll sa mga online courses, youtube at iba pang learning resources.
Problema ko nalang talaga is laging hinahanap sa interview eh yung may experience na sa pag program miski entry level or fresh graduate na post or miski job ads na "without it background" na parang kalokohan naman ang hirap maipasa ng exam paano pa kaya yung wala talaga background.
Naiisip ko nalang talaga na baka di para sakin ang programming. Pero ang laki na ng nainvest ko para dito .
Yun lang po gusto ko lang ilabas nararamdaman ko dahil wala naman makaka intindi nito sa pamilya ko. Pressure lang nararamdaman ko.
Salamat po sa mga magbibigay payo at opinion.