Welcome to Mobilarian Forum - Official Symbianize.
Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?
Ano masasabi nyo sa mga BIG TIME Social Media Influencer sa Pinas? Maganda ba silang ehemplo para sa mga kabataan? Sila na ba ung nag didikta kung ano ang standards?
Ang mga Influencer sa Pilipinas ay ang mga taong sikat na nagbibigay ng entertainment, edukasyon, at kung ano ano pa na makakatulong sa kanila sa pang araw araw. If ang influencer po ay di maganda yung mga contents dapat po sila na hindi tularan. Para po sa mga anak natin na nanonood sa kanila, gabayan lang po natin silang mabuti dahil ang social media ay sobrang lawak na merong mga contents na maaaring maka impluwensya sa kanila ng hindi maganda.
Ang opinyon na "for content" lang ang ginagawa nila ay mali. Syempre for content lahat yan kaya nga nakita mo at nakilala mo sila diba? Ang problema eh walang originality o matinong content ang halos lahat ng content creators na pinoy. Minsan low quality pa kahit relevant naman o ok lang na gayahin ang ibang concept. Nangunguna nga tayo sa social media pero wala talga tayo magawa pag hindi bumago ang mindset at taasan ang creativity.
Di ako nahohook kahit kanino kasi parang puro pakulo. Hindi hulmado approach nila sa brand nila kaya as a viewer hindi mo magets kung ano ba niche neto, saan siya magaling. May mga few exceptions pero overall walang nangingibabaw sakin.