It depends kung paano mo idedefine ang 'alien.' If ang 'alien' ay "sinuman na di mo kilala," then napalilibutan ka ng maraming alien. Pero kidding aside, as of this writing wala pa namang ebidensya to indicate na mayroon o walang alien. Kung mayroon man, malamang-lamang hindi ito yung "intelligent life" na naiimagine natin sa mga pelikula kundi mga bacteria o mikrobyo, dahil yung ganitong klase ng buhay yung pinakadominante sa daigdig at pinakamatagal nang umiiral (imagine, nakalusot na ang mga bacteria sa ilang extinction events!).
Simple lang naman ang requisites ng buhay: pagkukunan ng enerhiya, liquid water, at source materials (organic compounds) na kailangan ng kanilang pag-iral. Napaka-ubiquitous ng enerhiya sa universe, pwedeng sunlight or starlight, pwedeng tidal forces na nagpapainit sa interyor ng isang planeta. Marami ring organic compounds. Yung medyo mahirap pero hindi imposibleng mahanap ay yung liquid water.