hindi naman tutol ang mga jeepney driver at operator sa modernization. gusto nila, kasi alam nila gaano kaimportante ang maayos na public transport system dito sa pilipinas. pero hindi talaga pabor sa kanila ang programa ng gobyerno ukol sa jeepney modernization, kasi halatang-halata na ang gusto lang ng gobyerno ay kumita. napakamahal ng magiging "bagong" jeepneys na hindi naman kagandahan ang pagkagawa. 'yung hirap sa pagbili ng bagong jeepneys, napapasa rin sa mamamayan. tataas lalo ang pamasaheng kailangang ibayad.
problema rin kasi sa mga napakatalino nating mga pulitiko eh halos lahat naman sila nakakotse at may driver. for sure hindi sumasakay ng jeep 'yang mga 'yan.