Welcome to Mobilarian Forum - Official Symbianize forum.

Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?

Ipagpatuloy ko pa ba dito sa KSA?

OP
I 0

iamrandy911

Abecedarian
Member
Access
Joined
May 28, 2023
Messages
58
Reaction score
9
Points
8
grants
₲475
2 years of service
Following to my previous thread "Sharing my experiences noong nag apply ako" [https://katz.to/threads/sharing-my-experiences-noong-nag-apply-ako.384094/].

So, ito 4years na sa Riyadh, KSA. Share ko lang mga experience ko sa employer at sa work.

Una sa work. Hindi ako medyo nahirapan mag adjust kasi yung trabaho ko sa Pinas at dito sa abroad halos parehas lang naman (Construction work) nahihirapan lang ako mag arabic hehe. Sa workmates naman, minsan mababa ang pasensya ko sa ibang lahi na ang hirap turuan minsan nasisigawan ko:mad: pero advice ng mga kasamahan ko na pinoy hayaan nalang daw kesa makahanap ako ng kaaway mahirap na.

Pangalawa sa accommodation. Ang pangit ng accommodation namin:( nakacabin (container van) lang kami hindi kame nakatira sa building tapos hindi pa aircon naka dessert cooler lang tapos ang layo namin sa Riyadh City. Ang hirap pumunta sa market para mamili:cry:.
Advice sa mga mag aapply tanungin nyo kung anong klasing accommodation yung titirhan nyo kasi baka sanay kayo sa magandang tirahan tapos pagpunta nyo dito hindi nyo trip, hindi kana makatanggi pag nandito kana.

Sa 4yrs ko dito, 2 beses ako nakarecieved ng bonus tapos x2 sa sahod ko ang natatanggap ko:cool:. Dito sa increase ng sahod lang ako medyo hindi nagandahan kasi sa 4yrs ko dito 1k riyal lang nadagdag sa sahod ko:frown:. Sa tingin nyo mga boss worth it pa ba magpatuloy dito or uwi nalang sa Pinas at mag apply sa iba?

Share naman kayo ng mga experience nyo sa abroad. Salamat sa mga sasagot at magbibigay ng advice.:)
 
Top Bottom