Obviously totoo ang bayaran na nangyayari sa PNP, isa pa I agree na ang justice system natin ay pumapabor lang sa mga mayayaman/may kaya. Pero subukan natin tignan ito sa ibang scenario kung saan walang video na nangyari, walang kahit anong ebidensya. Halimbawa ay nagkaroon ng holdup sa isang lugar. Hindi nakilala ng biktima kung sino yung gumawa sa kaniya ngunit may dalawang person of interest ang mga kinauukulan. Ang isa ay pulubi at ang isa naman ay cashier sa 7/11. Dinepensahan nilang dalawa ang kanilang mga sarili at sinabi na walaa silang kagagawan. Ngunit sa mata ng mga pulis ang pulubi ang may sala dahil sa "eye test" pa lamang ay malabong gawin ng cashier ang krimen dahil sa may maayos itong pinagkakakitaan.
Subukan nating ibahin nang bahagya ang scenario, alisin natin ang pulubi at ang poi lang ng mga pulis ay isang cashier at isang tao na may sariling sasakyan. Mas papanig ang mga tao at pulis sa may sasakyan dahil wala itong dahilan upang gawin ang krimen dahil kaya nitong bumili ng sasakyan.
Ang point ko lang dito is ang ating justice system ay halata namang nakabase hindi direkta sa mayayaman kundi sa ating social status o sa pinansyal na kinatatayuan ng isang indibidwal o pamilya. Una nilang papanigan ang mas mayaman hanggang sa mapatunayan na walang kasalanan ang mahihirap o minsan nga hindi na napatutunayan at wala nang mga hearing na ginagawa.