To be honest, mahirap mawala yung pagkalat ng fake news. Ang problema kasi ay edukasyon sa pinas. Hindi gaano kaganda ang edukasyon rito dahil napaka underpaid ng mga guro natin at wala ring mekanismo para macheck kung maayos ang pagtuturo ng mga guro sa mga estudyante dito. Dahil dito, karamihan sa atin ay di marunong sa responsableng pag gamit ng social media (o kaya naman ng internet). Dagdag mo na rin ang dami ng may access sa internet ngayon, kaya kakalat at kakalat talaga ang fake news. Marami kang makikita na nagsshare ng mga posts pero di naman binabasa yung article. Marami rin di nakakaintindi ng satire.
Ang pinaka practical na solusyon na nakikita ko ay ang pagmonitor ng mga magulang sa pag gamit ng kanilang mga anak ng internet. Kailangan maturuan nila yung mga anak nila sa responsableng pag gamit. Ang problema nga lang, tulad na rin ng nasabi ng iba, yung mga nakakatanda pa yung mismong iresponsable sa pag gamit ng internet. Kaya dapat rin magkaroon ng mga seminar from NGOs o ibang civil society groups sa tamang pag gamit ng internet. Mag partner sila sa mga baranggay para matulungan ang mga taong matuto kung pano ang tamang pag gamit ng internet.