Welcome to Mobilarian Forum - Official Symbianize forum.
Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?
Ang daming trolls ngayon. Tas super gullible ang karamihan satin. May makita ng na screenshot ng convo, pinawala agad. Di muna chinecheck kung legit ba o fake news lang.
On the bright side, less and less people are falling for fake news. Maybe education needs to be invested more sa pinas kase ampanget talaga mga facilities ng mga state uni
Kailangan din siguro maging mas mahigpit sa mga media broadcasting. Pero individually, dapat mag cross checking ka nalang at kailangan din ng critical thinking... Sadyang dapat marunong ka magtanong kung bakit ganiti at ganyan ahhaha
Talagang laganap na ang fake news sa social media. Hindi rin nakakatulong na hindi marunong (or tamad lang talaga) ang mga kababayan natin na mag-fact check. Ano kaya ang puwede nating magawa para maiwasan ang pagkalat ng fake news? Yung mga viable na solutions lang kasi siyempre madali namang sabihin na ipasara ang mga troll farm pero malabong mangyari 'yon.
may mga moderator sa facebook na nakakabawas ng mga fake news. pero usually sa mga fb groups lang yon. medyo mahina yung fact-checking systems ng facebook for philippines kase di pa sanay yung algorithm sa pagfilter eh
Yung mahirap din dito ay yung interactions kase dumadagdag yan sa algorithm ng mga social media. Pag alam ng social media na may "controversia" information that is being interacted with, mas ipapakita niya yon kase gusto niya gumawa ng engagements. Kung ganon, best thing we can do is report and block. Wag na tayo dumagdag ng napakaraming comments sa mga posts nila