Isa sa nasabi noon sa mga balita na "hinog" na ang tinatawag na "The Big One" na fault line. Hindi pa nangyayari yung lindol na sinasabi ngunit maaaring isa sa dahilan ng madalas na paglindol ang parehong dahilan kung bat nasabing hinog na ang fault line na ito. Maaaring talagang ang mga tectonic plates na kinabibilangan ng Pilipinas ay talagang magkakadikit na at nagkikiskisan dahilan kung bakit nagiging madalas ang mga paglindol.